Chapter 19Sweet Serendipity "Dalawin kaya natin si Van?" tanong ni Kiel. Lahat naman kami ay napalingon sa kanya. Nandito ulit ako sa mansyon ni Van dahil gusto ko lang kasi silang makita. At saka wala akong magawa sa bahay. Mag-isa lang ako tapos ang tahimik pa. Nasanay na rin kasi ako na laging may kasama. "That's a good idea and besides summer vacation naman ngayon kaya puwede tayong pumunta," dagdag ni Farrah. Magandang ideya nga iyon pero hindi naman ako makakasama. Kung sasama ako at makikita ko siyang muli, ano kayang mangyayari? Iniisip ko pa lang dinadaga na ang puso ko. Handa na ba ako? Pero hindi ko naman itatanggi na miss na miss ko na talaga siya. Eh, ako kaya? Namimiss niya ako? O si Jullia? "You should come with us Kisha," seryosong sabi ni Zick. " ‘Wag na. Kayo na l

