Chapter 20Pain of Losing "Lolo Gallian, utang na loob! Patayin niyo ‘yan!” Nagising ako dahil sa ingay galing sa labas. Dinaig pa niya ang kinakatay. Hindi ko alam kung si Jack o si Jick ang sumisigaw pero hula ko ay si Jick. Ang hirap kasi sa kambal na sina Jack at Jick ay magkamukha na nga sila, magkapareho pa sila ng boses kaya hindi mo talaga ‘agad malalaman kung sino sila. Nalalaman ko lang kung sino si Jack at Jick dahil sa aura nila. Si Jack kasi ay may pagka-seryoso pero loko-loko rin pero si Jick ay loko-loko na talaga all the way pero kapag nagsama silang dalawa? Mas gusgustuhin mo na lang na humukay ng sarili mong paglilibingan kaysa mamatay dahil sa stress na dulot ng kakulitan nila. "Ang ingay naman." Malalim ang boses ni Van habang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko at bi

