Chapter 21Adieu Sinabayan ng malakas na pagpatak ng ulan ang nararamdaman ng bawat bampirang dumalo sa araw na kung saan kailangan ng ilagay si Kiel, ang isang magiting na Noble, sa kaniyang huling hantungan. Lahat ay nakaitim, dala-dala ang mga sarili nilang panangga sa ulan, ngunit ang iba ay hindi na nag-abala pang magdala ng sarili nilang panangga dahil sa pagtulo ng ulan sa kanilang mukha ay natatakluban nito ang mga luhang pumapatak galing sa kanilang mga mata. Tanging ang bawat patak ng ulan ang siyang naririnig at ang mumunting paghikbi galing sa isang dalaga–si Farrah. Maging ang ibang Noble ay nagpapakabasa na rin sa ulan matakluban lamang ang kanilang nararamdaman na nakikita sa pagpatak ng kanilang luha pero kahit ano’ng gawin nila ay napasakit pa rin sa kanila na makita an

