Chapter 24Here Comes Trouble Pumipilipit na ako sa katatawa dahil sa kalagayan ni Van. Enjoy na enjoy pa siya sa pakpak niya kanina tapos ngayon naman nanghahaba ang nguso niya dahil hindi niya alam kung paano siya babalik sa normal. "Nagawa mo pa akong pagtawanan, ha?" Natigil ako sa pagtawa nang magsalita siya pero nang tingnan ko ulit siya ay napatawa ulit ako. Inirapan niya lang ako at ibinaling ang tingin kay Lolo G. " ‘Di ba libo-libong taon ka nang nagte-train ng mga Legendary Vampire? Eh, bakit hindi mo alam kung paano ako babalik sa dati?" Hindi makaupo si Van dahil kahit nakatiklop ang mga pakpak niya ay Malaki pa rin ito. "Apo, nagtetrain lang ako, pagkatapos ko silang turuan ay umaalis na sila at hindi ko na sila muling nakikita," sagot ni Lolo habang hindi inaalis ang tin

