Chapter 23Legendary Nagkatitigan kami ng matandang tinawag ni Cross na Supreme Commander. Pamilyar talaga siya, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. Ang kaniyang mga mata ay pareho ng kulay ng sa akin. Siguro kung may lolo ako, baka kamukha niya. Natawa na lang ako sa isip ko. Ano ba ‘tong mga sinasabi ko? Kung siya ang lolo ko, baka ‘di ako makagalaw nang maayos sa bahay dahil itsura pa lang niya, mukha na siyang strikto. "Kisha, ito nga pala si Supreme Commander ng mga Vampire Hunter, si Nicolas Raven. Ang may pinakamataas na ranggo sa buong Vampire Hunter Clan. Siya ang namumuno sa aming lahat." Gusto kong magpabaon sa lupa dahil sa tingin niya sa ‘kin. Para niya akong kinikilala at kinikilatis. “Hello po,” pagbati ko sa kaniya. Tumango lamang siya sa akin at binuksan ni Cr

