Part 7

2476 Words
Part Seven Legend "Ashley?" Gulat na gulat si mom ng makita akong nagluluto sa kusina. "Morning'" I smiled awkwardly. "Si Ethan ho?" Kumurap-kurap sya, hindi pa rin makapaniwalang nakikita ako don. Well, I can't blame her. Ilang linggo rin akong hindi lumalabas ng kwarto ko at pumapasok sa school. I'm scared of everything that I just hid at my room and shut my world to everyone. I even turned off my phone and never talk to anyone even my mom and brother. Pero napagisip-isip ko, that's not me. I'm a fighter, a survivor. I will not let my fear ruled over me. If that killer tries to hurt me again, then, he or she should give it's best shot dahil hindi ako magpapatalo. She cleared her throat and do her coffee, tulad ko ay naiilang din. "P-Pababa na!" I nodded and turned off the stove and fix the table and when I'm done, I glanced at her. She's staring at me perplexedly like she can't believed to all of this. "Tapos na ho akong mag-breakfast," I get my bag. "Una na ho ako!" Nagmamadali akong naglakad sa pinto. Nang makalabas ay tinanaw ko ang SUV na nakapark sa gilid ng kalsada malapit sa bahay namin, lagi ko iyong nakikita pag sumisilip ako sa bintana ng kwarto ko. Nang tumingin ako sa kabilang direksyon ay huminga ako ng malalim, I'm expecting him to there. Napailing na lang, nasanay lang siguro ako. Lumingon ako ng mapansing sumusunod sa'kin ang SUV, medyo nabahala at kinabahan kaya binilisan ko ang paglalakad sa huli ay tumakbo na. Lumingon ulit ako, mabagal na ang takbo ng SUV. I gasp when I bumped into something, malapit na rin ako non sa school. Muntikan ng matumba ng may biglang brasong pumulupot sa katawan ko at bahagya akong iniangat. "Ki-Kingrand!" Ang kaba at takot na naramdam kanina ay napalitan ng kasiyahan. "Hey!" Bulong nya. Saglit nyang tinitigan ang labi ko bago ako tinulungang makatayo ng maayos saka bumaling sa SUV para senyasan itong tumigil. Natutop ko ang bibig at namilog ang mata ko habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. Minsan, sumagi na rin sa isipan ko na may kinalaman sya sa mga lalaking umaaligid sa bahay namin pero sobra naman na iyon para gawin nya pa iyon para sa'kin. Nagsalubong ang kilay nya ng mapansin ang pagtitig ko. Ngumuso ako at umiiling na nagsimulang maglakad. "So, what I missed?" Binalingan nya ako habang naglalakad kami. "Me!" My brows snapped together. "You?" "Why? You didn't miss me?" Aba! Matindi ka, Kingrand! Nag-init ang pisngi ko at tumawa na lang para itago ang kaba. Dahil ilang linggong wala ay kailangan kong humabol sa mga lessons namin at ibang mga activities and while doing that, I started doing my investigation sa kung sino ang gustong pumatay sa'kin. Everyone in this school is a suspect for me. What confused me more is, bakit may gustong pumatay sa'kin? Yes, I'm a b***h back then pero ganon ba talaga kalaki ang nagawa kong kasalanan noon para saktan nila ako ng ganito ngayon? I'm no saint and definitely I'm not perfect. We all are! "Are you sure you're fine with it?" Noelle asked me thrice this day. I nodded and smiled. "Of course, gusto ko ring bumawi." AU will having an event, and one of the highlights is the play and I really want to join. Okay lang nga kahit isa lang ako sa mga crew basta maramdaman ko lang na may silbi at ginagawa ako. It's about the moon and the werewolf. It sounds interesting and new to me. May naatasan sa paggawa ng mga props, pag-design ng mga susuotin ng casts at mga dialogues. At don ako sa props nasali. Full moon, the wolf, trees and all that sfuffs, it challenge and excites me. "As legend says, a goddess fell in love with a mortal. But the mortal is secretly in love with a girl and it angered the goddess when she found out about it so she cursed them to became a wolf. She cursed their entire lineages too, every son and daughter will have a mate to punished them and suffer before they will experience the true happiness." Mula sa paggugupit ng cardboard ay lumingon ako sa stage ng marinig ang pagkukwento ng narrator. "Mas bagay mong maging moon goddess, Ash. Sayang nga eh!" Inilipat ko ang tingin kay Bryan na tinutulungan ako sa mga cutouts at natawa. "Maganda naman si Noelle ah, bagay nya ngang maging moon goddess!" The narrator continued reading. "And If someone will die, it will be followed by the other one. And to make sure that they will suffer for eternity, the goddess turned herself into a moon. And in every full moon, the human form of every wolf will turn to werewolf. Suffering in great pain." It's my first time to hear that kind of story, legend or not. I don't know if there's such thing these days as the kind of love and hate the moon goddess has. "Oo, maganda sya. Pero para sa'kin... Mas maganda ka!" "May gusto lang yan sa'yo, Ash!" Sabi ng isa sa mga kaibigan nya. "Kaya gusto ka nyang maging moon goddess! May kissing scene kasi iyon." Binato naman ito ni Bryan ng cardboard, si Bryan kasi ang gaganap na wolf. Napailing na lang ako ng magtawanan sila, we're four girls and six boys here. May grupo ng mga estudyante sa bawat corner ng auditorium, lahat abala sa paghahanda. Nagpaalam ang mga kasama naming kuhuha pa ng materials at meryenda kaya kaming dalawa lang ang naiwan sa isang sulok ng auditorium. Tumikhim sya ng paulit-ulit, para bang may gustong sabihin. Napailing na lang ako. "Hindi pa ba kayo magri-rehearse?" "Hindi pa raw tapos iyong mga script," tumikhim ulit sya. "Hmm, nililigawan ka ba nong si Kingrand?" Napaubo ako sa sinabi nya at muntikan pang mabilaukan ng sariling laway. Napuno naman ng pag-aalala ang mukha nya, mabilis na tumayo sa kinauupuan at umupo sa tabi ko para haplusin ang likod ko. "Bakit mo naman naisip iyan?" "May mga nakakakita kasi na lagi kayong magkasama. Nililigawan ka ba nya?" "Hindi ah," umiling ako, itinuon ang atensyon sa paggugupit. Pakiramdam ko may bahid na pagkadismaya at lungkot ang boses ko ng sabihin ko iyon. "Talaga! Hindi pala ikaw iyong babaeng tinutukoy nila." The happiness in his voice is evident and he looks excited then he scratched his head. "So pwede pala akong manligaw?" Alam kong darating kami dito lalo na ng mabasa ko ang letter nya pero hiniling ko na sana, kalimutan o napigilan nya kung ano man ang nararamdaman nya para sa'kin dahil alam kong magiging panandalian lang iyon. Biglang naging maingay at nagkagulo malapit sa entrance ng auditorium kaya hindi ko sya nasagot, parehas naming tiningnan kung ano ang nangyayari. Tumaas ang kilay ko ng makita si Kingrand, what is he doing here again? The girls are so hype while talking to him, naging maingay at excited sila dahil sa kanya. He's simple with his sweatshirt and jeans but he still standout there and girls still go crazy about him. Dumako ang tingin nya sa direksyon ko at nagtataka ako kung bakit madilim ang kanyang mukha at parang galit. Umigting ang kanyang panga bago binalingan ang mga kumakausap sa kanya. Nang bumaling ako kay Bryan, doon ko lang napansin ang kanyang braso na nakalagay sa likod ng kinauupuan ko na parang bang akbay-akbay nya ako. Bumalik ang mga kaibigan nyang dala-dala ang meryenda namin, fries, burgers, pizzas and drinks. Ang ibang nandon naman ay nakimeryenda rin sa'min dahil napakarami non. "Ang swerte talaga 'no pag galante at gwapo ang nanliligaw sa'yo." Makahulugang sabi ng isa sa mga cast ng play at ngumisi sa'kin. I can't ask Bryan about the foods because he's at the stage rehearsing with Noelle. I don't want to ask his friends because I know, kung anu-ano na namang mga kabaliwan ang sasabihin nila. Sumandal ako sa kinauupuan habang umiinom ng juice ng mapatingin kay Kingrand, tumutulong sya sa mga babaeng magkabit ng props sa stage. Kanina, reklamo ng reklamo ang mga iyon pero ngayon... They're enjoying! Napansin nya atang nakatingin ako kaya lumingon sya sa'kin. Namilog ang mata ko at muntikan pang mabilaukan sa gulat at pagkapahiya. I immediately looked away while calming myself. Ipinagpatuloy ko ang paggugupit habang nagmimiryenda ng may biglang umupo sa tabi ko at kinuha ang juice ko. "Sa-Sandali, akin 'yan---" my breath hitched when I saw Kingrand sipping my juice. "Yes, I know, Cassandra, it's yours!" He growled. Sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Bryan na pinaghihinalaan na ako ang babaeng tinutukoy ni Kingrand. Buti naman kung totoo. Seriously, Ash? I heaved a sigh. "Anong ginagawa mo dito?" Mariin nya akong tinitigan na para bang inaalam kung ano ang iniisip ko habang iniinat nya ang isang kamay sa likuran ko at mahigpit na hinawakan ang backrest ng kinauupuan ko. "Well, I'm declaring myself to be your bodyguard!" Hindi makapaniwalang tinitigan ko sya, hindi alam kung seryoso ba sya o nagbibiro. Napasentido ako, nagsimulang makaramdam ng p*******t ng ulo dahil sa kanya. "Doon ka nga!" Pagtataboy ko sa kanya, inignora ang mga sinabi nya. I averted my gazed at the cupboard I'm cutting, hindi ko talaga matatagalang titigan ang mga mata nya because every time I do it... I feel lost! "I'm only here because of you and you're going to push me away? Where's justice in that?" Nahigit ko ang hininga kasabay ng paglakas at pagbilis ng tahip ng puso ko. Nabingi pa ata ako sa sinabi nya, pinanindigan ng balahibo. Nagbingibingian ako kahit naliliyo na, sinubukang ituon ang pansin sa ginagawa pero ilang beses na akong nagkamali sa paggupit kaya huminto na lang ako at baka masira ko pa iyon. I tried drawing a clouds but it turns out like a map of I don't know which place so I stopped too. "Doon ka na sabi!" I bellowed. "I'm not going to talk and disturb you!" Kahit na nga, Kingrand. It's all about your presence. Kahit hindi ka umimik, magkakagulo at hinding-hindi makaka-concentrate ang mga taong nasa paligid mo. Like right now, ilang beses lilingon ang isang tao sa kanya. I can't even count because they're so f*****g many. Tiningnan ko sya ng masama. Kung kailangang itaboy at sungitan ko sya, kahit nakokonsensya, ay gagawin ko. "Where's your phone?" He asked after a long silence. Hindi ko sya pinansin kasi lumapit ang isang kaklase ko. She will looked at Kingrand then me, pero mas tatagal ang tingin nya kay Kingrand. Girl, ano na? Lumapit ka ba para may sabihin o para titigan ng malapitan ang lalaking nasa tabi ko? Kinuyom ko ang kamao, hinila ang upuan palayo kay Kingrand. Baka kasi makadistorbo ako sa pagtitig nya dito. Ako na lang ang mag-a-adjust. "Cassandra," babala nya at hinila pabalik ang upuan ko. Talaga naman! Pinandilatan ko sya at nalaglag ang panga ko ng makitang hawak-hawak na nya ang cellphone ko. "Sa-Sandali!" I tried to get my phone but he just intertwined our hands. Narinig ko ang pagsinghap at bulungan ng mga nandon sa nasaksihang ginawa nya. Kingrand Azriel Salvatrix! Nagsalita ang babae pero wala na akong pakealam sa kanya. Tumayo si Kingrand habang hawak pa rin ang kamay ko at kinakalikot naman ng isa nyang kamay ang phone ko. Pwede ko namang kunin gamit ang libre kong kamay pero naliliyo ako sa paminsan-minsan nyang pagpisil sa isa kong kamay. Matapos ang ilang minuto ay ibinigay na rin nya sa'kin ang phone ko. "Anong ginawa m-mo?" I stared at him suspiciously and scan my phone. Well, wala naman iyong pinagbago. He get my bag and walked to the direction of the entrance while holding my hand so I don't have a choice but to follow him. "Sandali, san tayo p-pupunta?" I tried to pull my hand away from him. "Are you sure we're going to talk here?" He said and looked around. Namula ang pisngi ko at napasunod na lang sa kanya ng hilain nya ako palabas ng auditorium. Hindi ko rin alam kung kaya kong manatili sa auditorium matapos ng nangyari kaya nagpaubaya na lang ako sa kanya. Dapat ginawa na nya iyon kanina pa para hindi kami nakaagaw ng atensyon. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sinadya nya iyon. "Now, I can monitor your every moves and wherever you go!" "You're so dominant!" Hinila ko ang kamay mula sa pagkakahawak nya pagkapasok na pagkapasok namin sa music room. Nagpamulsa sya at seryosong tinitigan ako. "Iisipin ng mga nandon may relasyon tayo." Palatak ko. Siguradong g**o na naman ito, Kingrand. Paano kapag nakarating iyon sa bruhilda mong pinsan? Ko-corner-in na naman ako non. "Hindi ko naman sya boyfriend pero kung makabakod." Bubulong-bulong ko. "Damn! This is hard than what I'm expecting." Yumuko sya at hinilot ang batok bago ako tiningnan. "Bakit nagpapaligaw ka ba don sa batang iyon?" May iritasyong tanong nya. Napakurap-kurap ako. "May mali ba don?" Bryan is just younger than me in months. Humakbang sya palapit sa'kin na ikinakaba ko. "Kung ganon, dalawa kaming nanliligaw sa'yo?" Kamabog ang dibdib ko at pinanlamigan ng tyan sa ipinahayag nya at ilang minutong nakatitig lang kami sa isa't-isa. Tumikhim ako at namumula ang pisnging nag-iwas ng tingin. Ni hindi matanggap ng isipan ko ang sinabi nya pero ang puso ko, nagwawala na. I'm not aware that you're courting me, Kingrand? Then I remembered the flowers! Damn! Napaatras na ako ng humakbang ulit sya palapit sa'kin. Gustong tumakbo palabas pero siguradong hinding-hindi nya ako hahayaang makalabas. "O baka mayron pa bukod sa'min, Cassandra?" He's gritting his teeth while looking at me murderously. Napasandal na ako sa pader ng tuluyan syang makalapit sa'kin. He held my waist and I almost shout in nervousness but I still suppress myself. "Gusto kita, Cassandra!" Walang buhay syang tumawa. "Gustong-gusto kita." My heart ache because of his confession. I'm happy, overwhelmed and thankful. Sa lahat ng babae don, ako ang nagustuhan nya. But I don't know why I feel this pain and sadness even I'm ecstatic to everything he said. "I'm sorry, Kingrand." I gathered my strength to able push him away from me, cold and impassive as I stared at him even though my knees are shaking. "Pero hindi kita gusto!" Bumalatay ang sakit sa kanyang mukha pero agad din iyong napalitan ng kalamigan. Yumuko sya, mabigat ang bawat paghinga. At parang gusto kong bawiin ang mga sinabi dahil sa nakikitang paghihirap nya. I tried to touch him but he immediately stepped back without looking at me. I don't know if he's scared to look at me or he doesn't want to look at me, probably he's hurt or mad. Umatras ulit sya pero ngayon ay tuluyan na nya akong tinalikuran at iniwan don ng hindi na umiimik. Ganito ang gawain namin ni Althea noon kahit ang laki ng disguto ni Riza sa mga pinaggagawa namin pero she always supported us, she's always in our side and defended us. Althea and I always makes fun of boys back then, iyong papaibigin namin ang mga ito at sa huli ay paglalaruan. It's fun especially when we see their reactions. They'll cry, beg and some will be depressed but we will just laughed it out like it's an achievement. But now, while watching Kingrand walked away from me, all I'm feeling right now is pain and regret mixed with grudge. Huminga ako ng malalim at mabilis na pinunasan ang namamasang mata bago pa tumulo ang luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD