Part 6

2287 Words
Part Six Darkness As what Ronin said, naging substitute nga si Kingrand. Hindi sya ganon kahigpit na prof, seryoso lang. Minsan sa gitna ng leksyon nya ay napatutulala na lang ako sa kanya. He talked so smoothly even his voice is rough and full. Hindi sya masyadong nagtatawag ng estudyante pero lagi namang nagpapa-quiz. Nag-init ang pisngi ko ng dumako ang tingin nya sa direksyon ko at nahuli ang pagtitig ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at hindi nakaligtas sa'kin ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi pero saglit lang iyon, sumeryoso din sya agad. Natampal ko na lang ang noo sa kahihiyan. Of course, titingin ako sa'yo, Kingrand. You're the prof, duh! Napapiksi ako ng tumunog ang bell, ang ibang mga babae ay nilapitan pa sya at nakipagkwentuhan. Tumikhim ako at inayos na ang mga gamit pero ang buong atensyon ay nasa kanila. "Miss Brycin, stay. I want to talk to you!" Pinanindigan ako ng balahibo sa isiping maiiwan kaming dalawa sa silid na iyon. Hindi alam ang sasabihin kaya tumango na lang ako. "See you tomorrow, sir Kingrand." Muntikan pang umikot ang mga mata ko sa ginawang pagpaalam ng mga estudyante, nang magsilabasan sila ay don ko lang sya nilapitan, saglit na natigilan ng makitang bahagya syang nakaupo sa kanyang mesa. Nakapamulsa at mariing nakatitig sa'kin. I don't want to think that he's doing this because of me. I don't want to assumed. One time, I heard some of my classmates talking about him, it was in the girls locker room. Ang pagiging substitute nya ay agad na kumalat sa buong AU. "Ang tagal na syang ino-offer-an na maging substitute, di ba?" "Maybe he just said yes because of whoever that girl is, right?" "Well, who is the lucky b***h then?" Kumunot ang noo nya at lumarawan ang pagkainip sa gwapo nyang mukha. Napabuga ako at ipinagpatuloy na ang paglapit sa kanya. "Ano hong sasabihin nyo, sir Kingrand?" I want to sound coolly like the other student there. Not flirty, just plain cool but it turned out sarcastic. The corner of his mouth quirked up, he looks offended, surprised and amused at the same time. Mas nainis lang ako. "Kung wala ho kayong sasabihin, sir Kingrand." Idiniin ko talaga ang itinawag ko sa kanya na mukhang ikinaiinis nya. "Aalis na ho ako." He caught my hand making me stay and frozen to that spot. I glared at him when he pulled me but he remained serious. He stand straight and leaned closer to me, I stepped back until my buttocks hit the table. He let go of my hand and placed his hand on the table, cornering me. My breath hitched when he lower down his head, his aftershave and musky scent filled my nostrils. I slightly sat down to give space between us pero mas lumapit pa sya sa'kin. "Sir, b-baka ho may makakita sa'tin." Dumagundong ang dibdib ko at parang lalagnatin pa ata ng mas ilapit nya pa lalo sa'kin ang kanyang mukha. "S-Sir Ki-Kingrand," saway ko pero sadyang matigas talaga ang ulo nya. Inilapit pa lalo nya ang mukha nya sa'kin at halos magdikit na ang mga labi namin, para talagang inaasar ako. "Kingrand!" I shrieked, scared and nervous. Ngingisi-ngisi syang lumayo. "There you go. My name." Tiningnan ko sya ng masama but he bit his lower lip like he's controlling himself not to smile. "I will only be substituting this week." He murmured on my ears like he's threatening me then he held my chin and stared at my eyes. And the brute smirked evilly at me like he's planning something wicked. Bahagya akong natigilan sa paglalakad dahil sa gulat ng makita si Agatha na sinabayan ako sa paglakad. I literally ran when Kingrand inched forward at me, I forcedly pushed his chest so I can get away from him. He even called my name but I ignored him, so I'm still thankful that he didn't follow me because I will surely freaked out if he did. "I saw and heard all of it!" She uttered, disgust and full of malice. Here we go! "Salamat naman kung ganon. Sana hindi lalabas na ako ang lumalandi sa kanya." Nginitian ko sya at binilisan ang paglalakad. She huffed up to the peak then go after me, my eyes widened in shock when she grab my hand and pulled me inside a room. Kahit kinabahan mas nangibabaw ang iritasyon at galit sa pagpapakita nya ng kawalang-galang bilang tao. "Are you telling me that I will tattled whatever I see and heard?" She looks pissed too. Nagkibit-balikat ako. "Well, I don't really know!" Her jaw clenched and she let out a deep and long sigh. Sa huli ay umiling sya at ngumisi. "Don't worry, I respect and honor the blood I came from and the family who raised me. I'm not going to do that to kuya." Unti-unting kumunot ang noo ko at nagtataka syang tiningnan. "Oh!" Maarte nyang sinapo ang bibig na parang nagulat. "You don't know? Kingrand is my cousin." The hell? Halata ang gulat sa mukha ko at mukhang tuwang-tuwa sya don. She's obviously pleased with my reaction and silence. "I will get straight to the point, I hate you, Ashley!" Tinitigan ko sya at don ko lang napagtantong may pagkakahawig sila ni Kingrand, how they raised their brows and moved their jaws. They're both scary, mysterious, mighty, dangerous and high. Agatha is no doubt the girl version of Kingrand. "Don't flatter yourself, Agatha because we're just the same. I hate you too!" Tumango-tango sya at ngumisi. "That's good to here then. And a little reminder, don't assume that my cousin like you. Even if he does, trust me, he will never ever choose you." I'm just wondering, why is she telling me this? Sa tingin nya ba gusto ko ang pinsan nya? Natawa na lang ako na ikinataas ng kilay nya. "Look, Agatha, I don't like your cousin so save your I-don't-like-you-for-my-cousin-speech." Umikot ang mata ko at iniwan sya don. When I hate someone back then, I will bully or humiliate them. Maybe, because of maturity kaya ganito na lang ang pangaaway ngayon. She reminded me of Althea though, kahit mag-away at sagutan kami ng babaeng iyon ay magkasundo pa rin kami at mahal na mahal ang isa't-isa. But for Agatha, I know that'll never happen. Kung dati hindi ko iniisip ang kahihinatnan nang sagutin ko si Newt dahil sa parerebelde, iba ngayon. I realized that I'm too young when I flirt for the first time, too stupid when I had my first fling and too rebellious when Newt became my boyfriend. Dahil sa mga nagawa at maling desisyon, hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko kay Kingrand. He's nice and I'm thankful that he's concern about me and I wished that Agatha is wrong and I hope that... I will like him but as... A friend. Dahil oras na lumagpas pa iyon don, siguradong magkakaproblema ako. Because obviously, sa mga sinabi ni Agatha, his family will never like and accept me. Hindi ko rin ata gugustuhing makilala pa sila. Nakaupo ako sa kama habang abala sa laptop nang tumunog ang cellphone ko, agad ang pagsalakay ng kaba ng makita ang pangalan ni Kingrand. I ignored it and focus my attention to my laptop thinking that it will stop but it keep on ringing. Why are you even calling, Kingrand? I prayed that he will get tired calling me o antukin para matulog na lang at huwag akong distorbohin. Mariin akong pumikit at sinagot na iyon. "What?" I said coldly, a little irritated. "Did I disturbed your sleep?" Kinagat ko ang ibabang labi ng makonsenya dahil ang kalmado ng kanyang boses. "Hindi naman!" Banayad ko ng sabi. Bumuntong hininga ako at sinapo ang noo. Mukhang nakikinita ko na ang sarili sa hinaharap, siguradong magiging marupok pagdating sa kanya. Heto nga't, ini-stalk ko na ang mga social medias nya pero halata namang hindi sa kanya. If it's not a fan page, dummy at poser naman. So this is how famous you are hmm? "Bakit ka pala tumawag?" "Why didn't you waited for me?" Tumihaya ako at tumitig sa kisame. "If this is about the death threats, Kingrand, huwag ka ng mag-alala don." "Why didn't you waited for me?" He asked again, ignoring what I said. Umikot ang mata ko. "You're now a prof, siguradong busy ka na." "Your excuse is so lame, Cassandra. I'm not buying it." He fired. Whatever, Kingrand! Like what he said, isang linggo lang syang naging sub pero hindi don nagtatapos ang pagsabay nya sa'kin sa paglalakad tuwing umaga at hapon. Nanghihina kong isinarado ang locker ko at matagal na tumitig don. I received a letter again telling me that I will die soon. Ngayon lang ulit ako nakatanggap ng ganon and I know it's one of the students here. Nong nandito si Kingrand ay wala namang ganon pero ng umalis sya, mayron na naman. Para bang alam nyang may nagbabantay sa'kin. Nabuhay na naman ang pangamba at takot sa'kin. Pakiramdam ko, kahit dito sa loob ay hindi rin ako magiging ligtas oras na balakin akong patayin ng kung sino mang nagbabanta sa'kin. Pinili kong pumunta sa basketball court dahil maraming tao don. You're busy? It's Kingrand's text. Ngumuso ako, nagtitipa pa ng ire-reply sa kanya ng mag-text ulit sya. I'll wait outside! I smirked at that, tumayo ako para puntahan na sya pero biglang namatay ang mga ilaw. Darkness filled the court. Narinig ko ang tilian at murahan ng mga estudyante, ini-on ang kanya-kanyang flashlight ng mga cellphone pero hindi pa rin iyon nakatulong sa takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko may biglang lalapit sa'kin at sasaktan ako. Nanliliit ang paligid ko at parang mauubusan ako ng hangin. Help me please. I'm at the court. I tried to replied to him even with my shaky hands. Napahawak ako sa leeg ko at pilit na kinakalma ang sarili. Napaluha na lang ng mapansing hindi iyon ma-send dahil walang signal. Nanginig na ang katawan ko at pinanindigan ng balahibo. Namilog ang mata ko ng mapansin ang isang pigura na palapit sa'kin at tila kumawala ang puso ko sa dibdib ng makita ang pagkislap ng hawak nyang kutsilyo sa liwanag ng mga flashlight. Ni hindi na nakaya pang sumigaw ng inandahan nya ako ng saksak at natamaan ang braso ko, tumakbo ako kahit nanlalabo ang paningin sa luha at kadiliman hanggang sa mapatid ako at nahulog. Kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagliwanag naman ng paligid. Dinig ko pa ang tilian bago ako nawalan ng malay. Nang imulat ko ang mga mata, ang nakakasilaw na paligid ang agad na bumungad sa'kin kaya pumikit ulit ako. Napapiksi at muntikan ng magtitili ng may humawak sa braso ko. "Ash, it's okay. You're safe! It's just me. Llana!" Dahan-dahan kong iminulat ang mata at nakita sya. Parang may humaplos na kamay sa puso ko ng makita ang pag-aalala sa kanyang mukha. Unti-unti akong bumangon, I felt okay though. "I'll call the nurse." Nanghihinang tumango lang ako bago sya lumabas ng clinic. Inalis ko ang kumot at bumaba ng kama saka pumasok sa CR. I didn't bother to open the lights but I still saw my reflection in the mirror and I looked terrible. Fear is only I see in my eyes. Napakagulo ng buhok ko, namumuti ang labi at maputla ako. Agad akong napatingin sa braso ko, a cloth wrapped around my arm and there's a blood stained in it but I don't feel any pain. Nanginginig ang kamay na inalis ko iyon at napaluha na lang ng makitang wala ni kahit na sugat don. I panted as I opened the faucet to wash my hand but I feel weak and dizzy. I grip at the sink, unti-unting napaupo sa sahig ng tuluyang manghina at napahagulhol na lang. "Ash!" I heard Llana's voice outside then she knocked thrice "Ash, are you okay? Ash?" I shook my head as I covered my mouth with my hands to suppress my sobs because I don't know if I will be okay. I think I will never be okay anymore. I let the darkness witnessed how horrible I am, how weak and useless I am. Because this is my life now, full of darkness. Ngumiti ako ng makita si Llana paglabas ng CR. Bihis na rin ako at maayos na ang itsura like I didn't cry at all, halata ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha habang nakatitig sa'kin pero hindi naman sya nagtanong. "Everything's okay?" I asked her while the nurse is examining me. She blink while staring at me but at the end, she nodded and smiled. Lumabas din kami ng clinic dahil maayos naman na ang pakiramdam ko. Nagtaka ako ng makitang marami pa ring tao sa hallway, mga police na parang sinusuri ang paligid. Kusang tumigil ang paa ko ng makita si Kingrand na may mga kausap na mga lalaki habang seryoso at nakapamewang na tila ba binibigyan sila ng mga utos. Nandon din sila Jace, Ronin at mga lalaking kasa-kasama nila noon sa park. Namamangha ako sa dami ng mga lalaki sa paligid na para bang nagmamanman. Lumapit sa'kin sila Jace. "Are you okay now?" He asked me. I exhaled deeply and nodded then smiled. "I am, thank you!" Lumagpas sa kanila ang tingin ko ng mapansing nakatitig na sa'kin si Kingrand. I smiled weakly at him. His jaw clenched and walked menacingly to my direction. The way he tightened his jaw and brows snapped together, how he pursed his lips and the darkness in his eyes. I know he's furiously mad. Gumilid ang mga lalaking nasa harap ko para bigyan sya ng layang makalapit sa'kin. "I'm fine, Kingrand." I smiled to assured him that I'm okay. "Look, I'm still alive---" All my words flew away when he pulled my hand and gave me a tight hug. I gasp and my heart almost stopped from beating. Natulala ako sa ginawa nya, sa pagtagis ng kanyang bagang at sa paghigpit pa lalo ng yakap sa'kin pero hindi naman ako nasasaktan. My lips quivered but it curved into a sad smile as tears shimmered in my eyes. I embraced him too and slowly tap his back to soothe him. Kahit paano nakahinga ako ng maluwag at naging panatag na nandito sya... Yakap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD