Part 5

2445 Words
Part Five Bantay The deafening howls of the five wolves scares us. They're all growling, their eyes and fur are all different in colors. Naglalaway sila at nangangalaiti ang mga ngipin habang palakad-lakad sa paligid at nakatitig sa'ming lahat. Their sizes is different too not like the typical wolf, they're more bigger and scarier. We heard the pounding feet and paws coming towards us and the five wolves looked alert and scared. They were like ready to attacked whoever that intruder is. Napapiksi ako at muntikan ng mapatili ng may humawak sa kamay ko, I sigh when I saw Llana. She nodded at me like she's assuring that everything will be okay. Okay, I need that positivity now! Mula sa kadiliman ng kakahuyan ay unti-unting lumabas ang isang mas malaking lobo, maliwanag at nagliliyab ang dilaw nitong mga mata na may halong pula. Ang mga pangil ay matatalim at naglalaway din ito. Sa bawat gawin nitong hakbang ay sumusunod ang makapal, malambot at maganda nitong kayumangging balahibo. At sa unti-unti nitong paglapit ay umaatras naman ang limang lobo. He's so beautiful even though he looks scary and deadly. Ang laki ng limang lobo ay walang panama sa kanya, he's so huge, so mighty and monstrous. Nagtakbuhan at nagsigawan ang mga nandon ng sugurin ng abuhing lobo ito pero wala nya itong kahirap-hirap na sinakmal sa katawan. Umalulong ang apat na lobo at sabay-sabay na sinugod ito. "Ash, come on. Let's go!" Llana tried to pulled me but I ignored her. "Ash, we need to go." I just watched that wolf, how he devoured those wolves. How he growled, attack, bite, jump and howl. I'm not blinking while watching him until those wolves are dead, only their bloods and some body parts were left on the ground. He howled loudly until his gazed met mine then he licked the blood on his face while walking towards my direction. I want to run, I'm forcing myself to run but I can't move my feet. My body won't cooperate too. My heartbeat almost stop and I felt like I'm going to collapse when he's now in front of me, staring and smelling me. "Ashley!" Napatili ako at mabilis na bumangon na may yumugyog sa balikat ko at nakita si mom na nakaupo sa gilid ng kama, punong-puno ng pagaalala ang mukha. "Nightmare again?" I shoved her hand when she touched my shoulder then threaded a hand through my hair as I let out a deep, long sigh. "Breakfast is ready!" Tumikhim sya saka tumayo at hinawi ang mga kurtina bago lumabas ng silid ko. Napabuga ako saka hinayaan ang katawan na bumagsak sa kama. Paulit-ulit ko iyong napapanaginipan simula ng mangyari ang bonfire. First, I thought it's real but when I asked mom about that night, she told me that I was drunk. "Inihatid ka ng schoolmate mo, lasing na lasing ka at basang-basa. Ni hindi makalakad at makausap." That's her exact words. But that dream... Everything felt so... Real! Am I really drunk that I forgot everything I did? Ni hindi ko maalala kung lumangoy ba ako sa lake, oo uminom ng alak pero hindi naman ganon karami para malasing ako ng ganon. Napatitig ako sa mga bulaklak na nakalagay sa mga vases malapit sa pinto. Laging nagpapadala ng bulaklak ang KAS na iyon, marami at malalaki na hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay. I want to tell him to stop but I don't know who is he and I don't want to assume that it's Kingrand. Pinalobo ko ang bibig ng matanaw sya na nakatayo sa di kalayuan. Wearing his aviator, sweatshirt, jeans and boots, nakayuko sya habang naka-cross ang mga braso sa dibdib. Ang galing naman, iniisip lang kita... Nandito ka na agad sa harap ko. Mukhang naramdaman nyang may nakatitig sa kanya kaya nag-angat sya ng tingin sa'kin. We stared at each other for I don't how many minutes when I decided to break it, I smiled and I waved my hands. He lazily nodded. I sigh heavily and I walked towards his direction. Sabay kaming naglakad, walang nagsasalita o umiimik hanggang sa makarating kami sa school ay pareho pa rin kaming tahimik. The way he breath and clenched his fist, I know he's furious at something. Naramdaman ko na rin iyon sa mga text nya dahil nakatanggap din ako ng iilang text sa kanya nong weekend. What are your plans for today? Nasa kama pa ako non at tinanghali ng gising, ang text nya ay kanina pang ala-siyete. Tiningnan ko kung may kasunod pa iyon pero wala na kaya nag-reply na ako. Nothing! Dito lang ako sa bahay! I waited for his reply but nothing, he didn't reply. Ganon din nong linggo. You're going out? Yeah! Church and grocery with mom and my brother! Okay! Iyon lang at hindi na nasundan pa. His text is somewhat cold and distant, pakiramdam ko napipilitan lang syang alamin kung ano ang mga gagawin ko. Maybe he just waited because of the death threats I received. He just want to make sure that I will be okay so that he will never feel guilty. May mga nakakita sa'min at nagtaas agad ng kilay kaya medyo dumistansya ako sa kanya. Humarap lang ako sa kanya ng makitang wala ng masyadong estudyante sa labas at ng may maalala. "Pumunta ka ba nong Friday?" He lick his lip. "Yeah! Why?" Napatango ako, distracted na sa ginagawa nya sa labi. "So---" "If I saw the kiss?" His jaw tightened. "Yeah, I saw that!" Ngumuso ako. "Hindi naman iyon..." "Then what?" "B-Bakit hindi ka lumapit?" He removed his aviator and I saw the irritation in his eyes. "Dito pa nga, umiiwas ka na. Paano pa kaya pag sa harap na ng maraming tao?" So he noticed that? "Hindi ko alam ang gagawin ko oras na lumapit ako kaya mas pinili ko na lang na lumayo dahil ayokong magkagulo." For a moment, naguluhan ako sa sinabi nya pero kalaunan ay naunawaan ko din iyon. Ayaw pa ngang tanggapin ng utak ko nong una pero mukhang iyon talaga ang dahilan. My cheeks turned red and my heart thudded wildly. Are you mad because of the kiss, Kingrand? "B-But it's just a dare," the words came out before I could even think twice. I grip at my bag when he stepped forward then leaned closer to me and lower down his head, napaatras ang ulo ko sa gulat. The irritation and anger is obviously etched in his eyes, I can even hear how he gritted his teeth. "A dare?" He scowled. I said that to calm him but looks like it pissed him off even more. "So, if I dare you today?" Bumaba sa labi ko ang tingin nya. "You'll do it too?" Naliyo ako sa bango nya at sa init ng hiningang tumatama sa mukha ko. Nakalimutan na kung nasaan ba kami o baka may makakita sa'min. Nagtagis ang bagang nya ng tumitig sa mukha ko at sya na ang lumayo. "You will be late, Cassandra!" Namumula ang pisngi tinalikuran ko sya at pumasok ng gate, muntikan pa ngang matapilok dahil sa pagmamadali. I'm not new with this. I've been intimate with other boys when I was in highschool. Flings, mutual understanding until Newt came. He's my first boyfriend and my first kiss. But I never felt this fear, excitement, nervousness before... This. This... All this emotion that I'm feeling right now. This is all strange to me and it scares me. I stopped when the cold wind began to blew wilder and stronger which is odd, my hair blown by the wind so I swiftly gathered it with both of my hands because it's already blocking my view. My brows creased when I noticed an old woman from afar staring at me, she's wearing a black veil and dress. Dinadaanan sya ng mga estudyante na parang bang walang pakealam ang mga ito sa kanya. Hindi, ang tamang sabihin ay parang hindi sya nakikita ng mga ito. Dapat ganon din ang maramdaman ko pero takot at kaba lang ang naghahari sa kalooban ko ng mga oras na iyon. Mas lumakas pa ang hangin at sa tuwing kumukurap ako ay parang palapit naman sya ng palapit sa'kin. Umatras ako at tumalikod para lang mahigit ang hininga sa gulat ng nasa harap ko na agad ang matandang babae. Pinanindigan ako ng balahibo, nakayuko sya kaya hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha. Inilibot ko ang tingin sa paligid pero ganon na lang ang pagtataka ko dahil sa isang iglap ay tumahimik at wala ng katao-tao. Kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba, ni hindi ko maigalaw ang paa ko para tumakbo. Mas lalong lumakas ang hangin, tinatangay ang buhok ko. Ang ingay lang ay gawa ng hangin na inililipad ang mga dahon ng puno. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon, kami lang ang tao sa mundo. Napalunok ako ng bigla syang tumingala sa'kin. Nagulat na lang at napakurap-kurap ng biglang nasa harapan ko na sya, mahigpit na hinawakan ang magkabila kong braso ng aktong tatakbo ako. "Mag-ingat ka" she whispered with her hoarse voice. I tried to escape from her rough hands but she's too strong. Nasasaktan na rin ako sa sobrang higpit ng hawak nya. "Nandyan na sila. Kailangan mong mag-ingat" Hinawakan nya ang noo ko kaya napapikit ako at nang imulat ang mga mata ay wala na sya. Sumagap ako ng hangin habang iniikot ang tingin sa paligid. At ang kaninang tahimik na paligid ay biglang umingay at napuno ng mga estudyante. Napahawak ako sa dibdib ko para pakalmahin ang bilis ng t***k ng puso ko, my eyes glimmered with tears. What was that? When I glanced at my arms, I paled when I saw traces of fingers there. Napatili pa ako ng may biglang humawak sa braso ko. "Hey! Hey! Ash, it's me... Adrian!" I blink and gulped as I looked at Adrian. Nanghina ang tuhod at nanginig ang mga kamay kasabay ng pagbuhos ng luha, dahil sa takot ay yumakap na lang sa kanya. "Here, drink this!" May iniabot syang bottled water na agad kong kinuha at ininom. Sa library ako dinala ni Adrian dahil walang masyadong nagagawi na estudyante don. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko, ni hindi alam kung mawawala pa ba itong nararamdaman kong takot. Scared and confused to all the weird things that happening to me. My wounds that are immediately healed. My dream about the wolves at the bonfire that felt so real. And now, that old woman who vanished just like that. Puff! She was like giving me a warning and that scares me even more because I know that I'm really in great danger. Someone wants me dead. Yeah! Now I finally noticed it! "What's wrong?" Sinipat ko sya, nakaupo sya sa mahabang mesa habang seryosong nakatingin sa'kin. Mukhang naghihintay ng paliwag ko. Umiling ako at bumagsak sa kamay ang tingin. "I can't tell you!" "Why?" Malungkot ko syang nginitian. "Because you won't believe me." "Humor me then!" Umiling ako. "Nga pala, bakit hindi kita masyadong nakita last week?" Pag-iiba ko ng usapan. "Is now Ashley Brycin interested in me?" Sinimangutan ko na lang sya. "May klase ka pa, di ba?" He's in higher year I think, mga ka-year siguro nila Llana. Third or fourth? Bumaba sya sa kinauupuan at nagpamulsa. "What are you? Good in changing or giving topics?" "Hahaha!" I mocked then rolled my eyes. Naging alerto at magugulatin ako, pag may hahawak sa'kin ay napapapiksi ako. Kahit kalabit lang o masagi. Parang ang mga natanggap na death threats ay ngayon lang tuluyang pumasok sa sistema ko, kahit gusto kong isiping prank lang iyon ay hindi na iyon matanggap ng isipan ko kahit anong gawing pagpupumilit. It's just so funny how destiny makes fun of my life, binuhay nya ako para magdusa at matakot ngayon. Kinuha ko ang tray na may lamang pagkain at naghanap ng mauupuan pero punuan ang cafeteria. May nahagip ang mata kong nagtaas ng kamay, it's Noelle. "Ash, dito ka na!" I looked around again pero wala na talagang bakante kaya lumapit na ako sa kanila. She's with three girls. I simple smiled at them and sat beside Noelle then starts eating but I stopped when I noticed the stares of the three girls at me. Nagtaas ako ng kilay. Hindi ba nila alam na it's rude to watch someone while she's eating? "Hmm, may problema ba?" The girl in front of me smiled. "Do you believe in eternal love? Or soulmates and the likes, Ash?" Uminom ako ng juice at nagtatakang binalingan si Noelle. Nagkibit-balikat lang sya. "Iyong may itinadhana para sa'ting lahat?" Sabi ng isa. "Magmamahal ng totoo at hindi tayo iiwan?" Dagdag naman ng isa. "I-I don't know!" Mukhang nadismaya sila sa sagot ko. If eternal love exist then everyone who's in love will just stay alive forever. If soulmates is real then everyone will stay loyal and contented. If someone is destined for us then why do we need to get hurt first before we meet them? If true love really exist then... Why did my mother left? Why did my father died? Why did Newt cheated on me? May narinig akong bulungan sa katabi naming mesa at sinulyapan ang tinitingnan nila, papasok sila Jace, Ronin at Kingrand. Agad na nagtama ang mga mata namin ni Kingrand pero nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain. Mas lumakas ang bulungan, nasa kanila na ang lahat ng atensyon. Sa gilid ng mata ay nakita ko ang pagtayo ng apat na lalaki para bigyan sila ng pwesto, malapit lang iyon sa mesa namin. Tatayo na rin sana kahit hindi pa nauubos ang kinakain ng mahagip ng mata ang grupo ng mga babaeng hila-hila ang kanilang mga upuan palapit sa kanila at don nakisalo. "Lagi ka na dito ah, Kingrand!" The girl beside him asked. "May binabantayan siguro!" Makahulugang sabi ni Jace, sumulyap pa sa direksyon namin. Tiningnan ito ng masama ni Kingrand pero mapangasar na ngumisi lang ito. "Really? May girlfriend ka na?" Kingrand lazily shook his head and glanced at me. Napakurap-kurap ako at namumula ang pisnging nag-iwas ng tingin. "Oh! So you're courting someone here?" The other girl concluded. "You can say that!" Kinilabutan ako sa isinagot nya. Ang tatlong kasamang babae ay sabay-sabay na tumikhim, nang mag-angat ng tingin ay makahulugan silang nakatitig sa'kin habang nakangisi na para bang sinasabi nila na ako ang babaeng nililigawan ni Kingrand. "Aw! Samantalang nong nag-aaral ka dito, walang nabalitang niligawan mo." "Pero fling marami at fu--- f**k, buddy!" Ronin laughed. "You don't have to kicked me." Nakataas ang kilay na sinulyapan ko ulit sila habang nakakuyom ang kamao sa gigil. I'm not surprise if Kingrand had flings back then or even now, itsura nya pa lang... Fuckboy! "Magiging substitute din yan!" Si Ronin na ngumisi pa. "Talaga?" The girls said dreamily. Hindi ko alam kung bakit kabado ako at naiirita habang pinapanuod sila. Lumingon ulit sya sa'kin na para bang alam nya kung kailan ako nakatingin at hindi. Instead of looking away and because of irritation, nakaya kong salubungin ang mata nya at taasan sya ng kilay. His brows furrowed then he lick and bit his lower lip like he did it intentionally, his eyes glinted with amusement. Pumito si Jace. "Wala na! Siguradong bantay-sarado na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD