Part 1

2440 Words
Part One New Arlan, the capital of Mysticshire and the city of mysteries. It's a typical city, there's nothing special about Arlan but I don't know why this place still amazes me. Since I woke up from two years of coma, the accident, Riza and Althea's voices and scared faces always haunts me every night. And now, I feel like everything is a nightmare because I found out when I woke up that daddy died too, he killed himself inside his office. It was hard for me, Hindi rin nakatulong na nandyan si mom. Sa kaniya ko sinisi ang lahat. Sa kaniya ko binuntong ang lahat ng galit ko. But I don't have any choice kung hindi pakisamahan siya dahil walang-wala na kami. Even my dad was a doctor at marami siyang ari-arian, naubos lahat ng iyon dahil sa pagpapa-ospital sa akin. This place is where my mother was born and raised. And from now on, dito na rin kami titira. My room was all woods, from the flooring, ceiling, and walls. Malayong-malayo iyon sa silid ko sa dati naming mansion. Malayong-malayo ang bahay na iyon sa dating mansion namin. It was a two story wooden house, there were three rooms and two bathrooms. Isa dito sa second floor at isa sa first floor. My room is in the attic, it's not that big but I think I can manage. Tumayo ako at tumanaw sa bintana, the peaceful environment, and the houses of our neighborhood greeted me. Our school is not far from our house, that's fine with me. Even if we have a car, I'd rather walk than ride it. Siguro natakot na ako na baka mangyari ulit ang aksidente noon. I admit college life is a bit hard. It's far from high school. Dahil dalawang taon akong nahinto kaya medyo bata sa akin ang iba kong mga kaklase. Mula sa kinauupuan at pagtitig sa pagle-lecture ng aming prof ay tumanaw ako sa bintana. Even it's sunny, the wind is still strong. I've been avoiding my classmates and It's okay for me if they think that I'm weird or whatever. It's not a big deal if some of the girls laughed at me or talked behind my back. I really don't care. My bxxch days are over. I keep a low profile. Hindi ako nakikihalubilo kapag hindi naman kailangan at hindi ako nakikipag-usap kapag hindi rin ako kinakausap. I distance myself from everyone. Even my mom and brother. I also distance myself from those who tried to befriend me. Like Adrian and Noelle. Noelle is actually friendly to me, she always has this extra chair for me and if there's a group activity or project, she always offers me to join them. But I always refused. And Adrian, he's trying to befriend me too. But I always keep a wall to those people who attempt to talk to me. Kapag nakikita kong may lalapit sa akin, umiiwas na agad ako. Para sa akin, wala akong karapatang magkaron ng kaibigan. Na sumaya. It's my punishment. To be alone. Forever. Napapiksi ako at kumurap-kurap ng mapansing nag-uunahang lumabas ang mga classmates ko saka ko narinig ang pagtunog ng bell pero hindi nagtagal ay tumigil din iyon. Napahilamos ako sa mukha saka humugot ng malalim na hininga bago inayos ang gamit at sarili saka lumabas na rin, diretso sa locker ko. You're going to die. Kinuyom ko ang kamao ng makakita na naman ng isang letter sa locker ko. Someone wants me dead. Iyon ang napatunayan ko. It was written in red at ng salatin ko iyon, I know its blood. Pinakatitigan ko iyon, I know it's not a spoof or someone just wants to scare me. Pangatlong tanggap ko na iyon kaya alam kong hindi lang iyon biro. Inilibot ko ang tingin sa hallway, nagbabakasalaking may mapansin akong kakaiba pero wala naman. Bahagyang kumunot ang noo ko ng mapansin ang titig ni Adrian, nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang ngumiti sa akin at kumaway. Tinanguan ko lang siya saka mabilis na isinara ang locker ko. I crumpled the paper and put it in my bag. "Ash! Ashley!" Tumigil ako sa paglalakad ng marinig ang pangalan at pumihit paharap sa kung sino mang tumatawag sa akin. Palapit sa akin si Noelle habang tumatakbo at may iwinawagayway na papel. "Friday! Don't miss it." She breathed and handed me the flier she was holding. "It's Arlan University's annual bonfire party." I get the flyer and stared at it. May nakaguhit doong na matabang dalawang kahoy na may siga at sa taas ay malaking apoy. I smiled. "Sure, I'll come." Nagtaka ako ng magpaalam agad siya at hindi nakaligtas sa akin ang takot sa mata niya. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad ng mapansing tahimik ang mga estudyante sa hallway, sinundan ko ang tinitingnan nila at nakita ang isang lalaking palapit. Umikot na lang ang mata ko at binasa ulit ang flyers ng matigilan at mabilis na nag-angat ng tingin sa lalaki. He's familiar, if I'm not mistaken, I already saw him. I just don't know when... Or... Where... Namilog ang mata ko. He has these evasive gray eyes that make him more mysterious. Thick eyebrows and fair skin. He has sharp cheekbones and thin lips too. The way he walks is like he doesn't care about his environment. And his midnight hair is messy like he just woke up from his bed. My eyes widened as my face heats up when our eyes met and recognition dawned on my face. He's the guy two years ago, iyong lalaki sa counter, iyong nakasama ko sa balkonahe at iyong nakaaway ni Newt. Nagsalubong ang kilay niya. My face reddened even more when I remembered what happened two years ago. Pero hindi na ako nagulat ng lagpasan niya lang ako tulad ng mga kababaihan don na para bang hindi niya ako namumukhaan o kilala. Nakasunod ang tingin ko sa kaniya hanggang sa kumaliwa siya sa hallway. "Si Kingrand iyon? Anong ginagawa niya dito?" Bigla namang umingay ang hallway at nagtilian ang mga babae, nagdiwang at may iba pang sinundan ang lalaki. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang naudlot na paglalakad. Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa rin ang nangyari dahil halata namang hindi na niya ako naaalala. Nang makarating ako sa bahay ay nagtaka ako ng makita ang ilang mga kababaihang kausap ni mom. May lumingon sa akin na isang kausap ni mom nang mahalata ata ang presensya at titig ko. "Siya ba, Sylvia?" she asked mom while staring at me from my face down to my shoes. Lahat sila ay napatingin na sa akin. Mahigpit kong hinawak ang backpack ko at tumaas ang kilay, kahit nakaramdam ng takot ay ipinagpatuloy ko ang paglapit sa kanila. "Brenda." Agaw ni mom sa pansin ng babae. They're so weird and their stares are really scary. They're all wearing lace veils and dresses. They have these weird necklaces, bracelets, and earrings. Pinaningkitan ako ng mata ni Brenda bago siya tumingin kay mom. "The Mountberg Coven will protect her. Hindi siya maaaring mahanap at mapunta sa Oceanfall Coven, Sylvia." Mom nodded at them like a slave to her masters. Sa huling pagkakataon, sinulyapan ulit ako ni Brenda bago sila tuluyang umalis. That's weird and strange but I didn't try to ask mom about that even though it's obvious that she's ready to explain and answer my questions. "Hey, Maggie, this is Ash," I said to Althea's cousin over the phone. Even though I hate her, I still need her help. Nabalitaan ko na lang na naging sila ni Newt ilang linggo bago kami naaksidente. I'm not mad though, sa tagal na non ay hindi ko rin alam kung mahal ko ba si Newt o minahal ko ba talaga ito. I stared at my laptop, scanning the news these past years including the accident that happened two years ago. Hindi umulan noon kaya siguradong hindi madulas ang kalsada. I don't know if it's our fault but I know something was wrong. The CCTVs were destroyed that night kaya hindi talaga alam kung ano ang totoong nangyari, isang dahilan na iyon na hindi lang iyon basta aksidente. There's no witness except that guy who saved me pero sino ba ang maniniwalang may nagligtas sa akin? Himala nga daw na nabuhay ako. "May balita ka na ba doon sa aksidenteng nangyari two years ago?" "Ashley, you should stop digging. Patay na rin naman na iyong driver. So what's the fuss? Just enjoy your life, you're lucky that you're still alive." I don't find this luck. Surviving that accident is like a curse and I will never enjoy my life the way people want me to be. I want to know the truth, I trust my guts. And of course, I want to find out who saved me. I want to see him, maybe say at least thank you. Akala ko, tulad ng ibang mga tao, hindi ko na siya ulit makikita kaya laking gulat ko ng makita siya sa labas ng gate kinabukasan. He was beside a car with two boys and three girls. Pamilyar ang mga kasama niya dahil nag-aaral din ang mga iyon sa AU. Kung hindi siguro ako na-coma, baka nasa same level lang kami ng mga ito. "The new student." Sabi ng isang kasama niyang babae at pinasadahan ako ng tingin. Napalingon na rin silang lahat sa akin maliban sa kaniya dahil abala siya sa kanyang phone. Minsan, iniisip ko na siguro hindi siya iyong lalaki two years ago. Sana nga hindi na lang siya iyon. "Iyan 'yon? Iyong snob?" Patuyang sabi naman ng isang babae at tinaasan ako ng kilay. Nagulat ako ng ngumiti sa akin ang dalawang lalaki at ang pangatlong babae. Tumango ako at simpleng ngumiti din, napakurap-kurap ng biglang bumaling sa akin ang lalaking iyon kaya mabilis akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. "She's pretty." "Oh! Shut up, Jace." Umikot ang mata ko ng marinig ang halakhakan nila at malungkot na ngumiti ng may masayang alaalang nanariwa sa aking diwa. "If we keep on doing this, maagaw natin ang atensyon ng mga hunters." Natigil ako sa aktong pag-ikot ng doorknob ng pinto ng aming bahay ng mariinig iyon. I knew it, they're up to something. Baka mamaya nagdo-droga na pala si mom. Looking at those women, I doubt it. "I'd rather be caught by the hunters kaysa mapunta ang batang iyon sa Rivercrest coven." Napaatras ako ng biglang bumukas ang pinto at makita ang isang babaeng mariing nakatitig sa akin. "Kanina ka pa diyan?" I gulped and shook my head. "Hindi ho! Kadarating ko lang ho." Sa sinabi ko ay mabilis silang nagpaalam kay mom at nagsialisan. Mom can't even look into my eyes ng kaming dalawa na lang sa sala. "Hmm, what do you want for dinner?" Medyo kabado niya pang tanong. Kung pagtatabihin kami, siguradong pagkakamalan lang kaming magkapatid. At siya ang bunso. That's how beautiful she is. Parang hindi siya tumatanda at mas nagagalit lang ako dahil doon. We suffered when she left us, especially dad. Parang tumanda ng sampong taon si dad dahil sa pagtratrabaho at pagpupuyat samantalang siya... I really hate her. "My favorite food." Natutop ko ang bibig at bahagyang pinalaki ang mata. "Oh! Oo nga pala, you don't know my favorite. " Lumiit ang ngiti niya at nawala ang kinang sa kanyang mga mata. "Ash—" "And as if you know how to cook." Malamig kong sabi saka siya nilagpasan at tinungo ang kwarto ko. Guilt kicked in when I closed the door of my room and I remembered mom's face. I know I hurt her by my words, sarcasm, and coldness but I don't have time to feel that guilt. I hate her for leaving us and nothing will change. "Where are you going?" mom said when I saw her at the sala, cleaning. But I didn't bother to answer her. Wearing jeans, a knit sweater, and sneakers, I continued walking in the direction of the door. "Hmm, be back before dinner, Ash. Huwag magpapagabi." Narinig ko pang sigaw niya bago ako tuluyang makalabas. Iniikot ko na lang ang mata ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sunod-sunod na malalaking bahay ang nadaan ko bago ko nakita ang mga kakahuyan sa paligid saka isang tulay, madadaan iyon bago tuluyang makarating sa siyudad. Sa paglalakad ko ay nakarating ako sa maluwang na parke. Umupo ako sa isang bench na malayo sa tao. I feel so empty. Broken... Alone. Nakatanaw ako sa kawalan habang nililipad ng hangin ang buhok ko ng mapatingin sa paahan ko ng may lumanding doon na bola. Tiningnan ko ang mga kalalakihang naglalaro sa di kalayuan. Wala namang basketball court don kundi isang ring lang na nakapako sa mataas na puno. I blink when I remembered them, ang dalawang lalaki doon ay kasama niya. Inilibot ko ang tingin at hindi na nagulat ng makita siya. Even though I'm surprised, I remained my poker face. "Miss! Pakipasa naman." Sigaw ng isang lalaki. Tinaasan ko siya ng kilay. Gawin pa akong utusan. May tumakbong lalaki palapit sa akin at kinuha ang bola. "Natamaan ka ba?" Nakangiting tanong niya dahilan para lumitaw ang biloy niya sa kanyang kanang pisngi. Tulad ng mga nandon ay nakasuot siya ng blue jersey shorts at dark blue na basketball shorts. Umiling lang ako at tumanaw sa malayo para ipakitang hindi ako interesadong makipag-usap. "Ronin, dito na." Binalingan ko ang lalaking sumigaw, parang naiinis pa siya. Kumunot ang noo niya at nagpamewang dahilan para luminaw ang malapad niyang balikat lalo pa at wala siyang suot na pang-itaas. Isang itim na basketball shorts lang. "Ronin nga pala." pakilala niya sa akin. Wala ng nagawa kundi balingan siya. "Ash." He nodded, his playful smile still plastered on his face. "Transferee ka, 'di ba? Where did you come from?" "Mountberg." "Masarap mag-hiking don." Naiilang akong tumango. "Bakit ka nag-transfer?" Napangiwi siya at natawa. "Geez! Maybe I looked like a maniac now. Sorry!" "Hindi naman." He chuckled and tilted his head. "Si Jace at Kingrand pala ang mga iyon." Turo niya sa mga kalaro at ipinakilala din ang iba. I smiled at them awkwardly when they waved their hands at me except Kingrand but I tried to not look in his direction, he really creeped me out. "Sige, Ash." He smirked and stepped back. "Nice to meet you." I don't want to be rude and he looks nice too kaya nginitian ko lang din siya. Napailing na lang ng asarin siya ng kanyang mga kasama habang pinagtutulak sa braso. Naglaho lang ang ngiti ko ng mapatingin kay Kingrand. He's now wiping his face and neck while staring at me darkly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD