Part Two
Letter
Pagkatapak ko pa lang sa lugar kung saan gaganapin ang bonfire ay tumutok na sa'kin ang mata ng mga estudyanteng nag-aayos sa paligid at hindi nakaligtas sa'kin ang bulungan nila. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad, naghanap ng maaaring maitutulong.
It sucks to be the new student in this school, it feels like I'm an alien that came from another planet. I can't blame them though, I avoided and ignored them so I totally understand their behavior towards me.
Some girls put Christmas lights at the branches of the trees there while other men axed firewoods. May nakatoka din sa mga alak at mga kakain at may mga activities ding gagawin. Truth is, I'm excited too. Wala kasing ganito sa Mountberg.
Nag-aabot ako ng mga Christmas lights ng matanaw ko sa di kalayuan ang kasiyahan ng mga kalalakihan habang ngsisibak ng kahoy, they're all topless. Sila ang pinakamaingay at karamihan ay lalaki kaya napapalingon talaga sa kanila ang lahat, may mga babae din silang kasama. Maybe their girlfriends. Pero ang nakapagpatulala sa'kin ay isang lalaking nakapatong ang mga kamay sa isang palakol na nakatayo sa kanyang harapan habang nakangiti sa mga kasamahan.
Kingrand is just wearing ripped jeans and boots. The fire beside them gives him darker, rugged and more mysterious appearance.
"Ash! Ashley!"
Napakurap-kurap ako at nag-angat ng tingin sa isang kaklaseng nasa hagdan. Nakataas ang kilay nya sa'kin at halata ang iritasyon sa kanyang mukha.
"Sorry!" Mabilis kong inabot sa kanya ang Christmas lights, hiyang-hiya at nag-iinit ang pisngi.
"Doon ka sa kabila, kaya mo bang ikabit?" Sabi nya ng matapos sya sa pagkakabit don at itinuro ang isang puno.
"Sige!"
Sunod-sunod akong tumango habang nakangiti pero ng makita ang itinuro nyang puno ay agad na naglaho ang ngiti ko. Ang inituro nyang puno kasi ay malapit sa pwesto nila Kingrand. Ayaw ko namang tumanggi dahil pumayag na ako. Walang nagawa kundi ang kunin ang box ng Christmas lights at maglakad sa direksyon ng puno.
I immediately looked away when I caught Kingrand stares are now wholly at me. Following every steps I make. I shuddered just the thought of him watching me putting the Christmas lights at this tree. Even I want to concentrate, tumatak na sa isipan ko ang mariin nyang titig.
Bumalik ulit ako para kumuha ng hagdan pero may nag-alok sa'king isang lalaki na sya na ang magbubuhat. Nagtaka pa ng makitang makakasalubong si Kingrand pero bumalik din naman sya sa mga kaibigan.
"Salamat," I awkwardly said to him.
"Gusto mo tulungan na kita dito, Ash? Wala naman akong gagawin."
Nakamamanghang alam nya ang pangalan ko pero sya... Ni hindi ko nga alam kung kaklase ko ba sya. I shook my head, this is the simplest thing to do here and I want to do it by myself.
"Salamat, pero kaya ko naman!" I smiled.
Nagkamot sya ng ulo, tila napipilitan pang iwan ako don. Kumuha ako ng Christmas lights saka tumaas sa hagdan. May kadiliman sa lugar na iyon, walang tao at hindi maingay maliban sa grupo nila Kingrand na nagkakatuwaan. Ang mga babae ay nagtatawan habang ang mga lalaki ay nagsisibak ng kahoy.
"We really thought you're a busy man, Kingrand! But we're really happy that you're here."
Bahagya akong natigilan sa narinig na sinabi ng isang babae. Umikot ang mata at ipinagpatuloy ang ginagawa, hindi na mapigilan ang sariling makinig sa kanila.
"So any plans? Hindi ka pa ba mag-aasawa?"
Malanding nagtawanan ang mga babae. Sa mga naririnig ko sa ibang kaklase pag pinaguusapan sya, kaka-graduate nya lang daw at pag-aasawa agad ang iniisip ng mga babaeng ito! Hindi ba pwedeng unahin nya muna ang kanyang pangarap? Hindi ba pwedeng mag-ipon muna?
"Ikaw na ba ang mamamahala sa kompanya nyo?"
"He doesn't have a choice. Nag-iisang anak lang iyan at tagapagmana."
Sa dami ng mga katanungan sa kanya ay wala syang sinagot. There's three possibility in that... One, he still not sure of his future. Two, he have other plans or three, he doesn't want to share it with them.
Bumaba ako at ililipat sana ang hagdan sa kabilang banda ng puno ng may biglang bumuhat non. Kingrand carried the stepladder like it's the lightest thing on earth. Samantalang iyong lalaki kanina ay nahirapan pang buhatin iyon.
"Salamat," kahit gulat ay nakuha ko pa rin iyong sabihin sa kanya.
May suot na ring syang shirt ngayon kaya panatag ako. He held the stepladder and looked up at the tree before glancing at me.
"Lalagyan ba ang buong puno?"
"Oo!"
Para makaiwas sa titig nya ay inabala ko ang sarili sa pagpili ng Christmas lights. Go away, Kingrand. I don't need you here. Go back to your girls!
"Kung nakapili ka na, ibigay mo na lang sa'kin."
Nagtataka ko syang nilingon para lang mapatingala dahil nakataas na sya sa hagdan. Nabahala ako. Paano ko ba sya itataboy na hindi nagtutunog na ako pa ang masama?
Kaya ko na! Pwede bang umalis ka na? Hindi ko kailangan ng tulong mo! Baka naman hinahanap ka na ng mga babae mo!
"Hi-Hindi na, kaya ko na. Bumaba ka na dyan." Hindi na maitago ang iritasyon sa boses ko habang inililibot ang tingin sa paligid.
I don't need anyone's help, kaya ko iyon. Simpleng bagay lang iyon, kaya kaya ko iyon.
"Ito na ba?"
Napasinghap ako ng bigla syang yumuko para kunin ang hawak kong Christmas lights dahilan para magkalapit ang mga mukha namin. Namilog ang mata ko ng mag-angat sya ng tingin sa mata ko.
"Come on, handed it to me." He urge when he noticed that I don't have intention to give it to him.
We stared at each others eyes for five long seconds before I finally handed the Christmas lights to him and step back then looked at the box na para bang mas may kaaya-ayang bagay don kaysa sa lalaking nasa taas ng hagdan at naglalagay ng Christmas lights sa puno. Napailing ako at mahinang tinampal ang noo saka huminga ng malalim bago nilingon si Kingrand.
It was the most awkward and longest twenty minutes for me. Oras na masasagi ang kamay ko sa daliri nya ay napapapiksi ako at mabilis na babawiin ang kamay kaya nagpapasalamat na tapos na rin iyon.
"We're expecting you on Friday, Ash!" One of my classmate said.
Tapos na ang paglalagay ng mga Christmas lights, iyong pagsisibak naman ng kahoy ay itutuloy bukas ng iba namang grupo ng kalalakihan. Nakatumpok na kami sa paligid ng bonfire na ginawa nila at nakaupo sa mga kahoy at bato habang kumakain, they ordered pizza and drinks.
I simple smiled and nodded, pilit iniignora ang titig ng isang babaeng nandon din. Her stares scares me though, it feels like she's observing me. Naaalala kong isa sya sa mga kasama ni Kingrand non sa labas ng gate na ngumiti sa'kin.
But what scares me more is Kingrand's intently stares at me. Like he's following everything I do. He really creeps me out. Does he remembered what happened two years ago kaya ganon ang titig nya sa'kin? Inaalala nya ba ako?
"Baka paasahin mo lang kami at hindi ka pupunta."
"No, I'll go. Promised!"
Naghiyawan ang mga lalaki, iyong mga babae naman ay parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Pwede ka bang sunduin sa Friday sa inyo?" Iyong lalaking nagbuhat ng hagdan kanina ang nagsalita.
I don't see him anything but only a schoolmate or maybe a friend.
Tingnan ito ng masama ng katabing lalaki. "This is not a prom, gago! Ibang pag-iinit na naman ang iniisip mo."
Nagtawanan sila kaya natawa na rin ako. Nang masulyapan si Kingrand ay seryoso syang nakatitig sa lalaking iyon habang umiinom at nagtatagis ang bagang.
It's my first time to interact with other people after I woke up from two years of coma and I felt this happiness even though it's still affiliated with guilt. May mga nag-alok sa'kin na ihatid ako pero lahat sila ay may mga sasakyan kaya tumanggi ako sa lahat ng iyon, may mga pumilit pero ng mapansing seryoso ako sa pagtanggi ay wala na silang nagawa kundi pabayaan ako.
Im fine if I just walk until our house, I don't mind. Kung may mangyayari man sa'kin then it's God's purpose. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng mapansing parang may sumusunod sa'kin. Tumigil ako at tinanaw ang pinanggalingan pero bukod sa hamog ay wala naman akong nakita. I continued walking, this time, faster. And when I'm in front of our house, I immediately opened the door and get in but a pair of red eyes and figure of a man in the dark caught my eyes before I could closed the door.
Suminghap ako at mabilis na binuksan ang pinto pero wala na iyon.
Magaan na ang pakiramdam ko sa sumunod na araw, my schoolmates are smiling at me and greeting me too. I figure out that I shouldn't involved them to my problem. The people here in Arlan are all friendly and nice so I should do the same because I will not be happy if I still buried myself in the past but I will never forget it especially the people that were part of it.
"Wala ka sa Friday? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong kay Noelle, isang hapon habang nagmimeryenda kami.
Naging malikot ang mata nya. "I have some important things to do kasi eh!"
"Niyaya mo ako tapos hindi ka pala pupunta." May himig pagtatampong sabi ko.
"Sorry talaga!"
"Kiddin'. If it's really important then unahin mo iyon."
She smiled. "You're so nice and sweet."
Natawa ako at tumitig na lang sa kinakain. Hindi nya lang alam, I'm one of the students greatest nightmare in Mountberg. I'm not nice nor sweet, I don't know what I am anymore.
"Hello there, Noelle. I see, hmm. Hanging with the new student, huh!" A beautiful, light-skinned girl walked to us while her brows are up as she surveyed me.
"Ash, si Agatha." Tumikhim si Noelle. "A-Agatha, si Ash."
Simpleng tumango lang ako samantalang sya ay nakatitig lang sa'kin.
"At si Paula!"
Paula who is beside Agatha smiled at me then waved her hand, she's more friendlier. "Hi!"
Naiilang akong ngumiti. May tumawag sa kanilang lalaki kaya nilagpasan din nila kami, napabuga ako. I really feel the indifference of Agatha towards me, the way she stares and talk to me. Naramdaman ko na din iyon noon, If I hate someone, it's because she has or she can do something that I don't and can't. Kung ganon, ano ang mayron ako na wala sya? Ano ang kaya kong gawin na hindi nya kaya?
"Napapansin namin, lagi ka na lang dito ah!"
Narinig kong sabi ng isang lalaki at paglabas sa gate ay nakita agad si Kingrand na may mga kausap na dalawang lalaki at apat na babae. His eyes immediately directed to me like he's expecting me to come out at that gate. A bit schock when he nodded at me, so I don't have a choice but to nod at him too.
"Ash, saglit!"
Napalingon ako sa tumawag sa'kin, the guy who helped me yesterday is running at my direction. And it turns out that he's my classmate in two subjects too.
"Hey, Bryan!"
"Naiwan mo," hinihingal nyang sabi ng makalapit sa'kin at inabot ang notebook ko. "Tawag ako ng tawag sa'yo, hindi mo ako pinapansin."
Nakangiwing kinuha ko iyon. "Sorry!"
"Wala iyon, basta ikaw!"
May mga nagsigawan at nagtawanang kalalakihan dahil sa sinabi nya. He smiled boyishly and stepped back three times before he turn his back at me to run towards his friends. Napangiti na lang ako ng makitang pinagbabatukan sya ng kaibigan at natawa na. Seriously? I really have that effect? Iyong sasaktan sila matapos akong kausapin. What's wrong with them?
May tumikhim sa likuran ko kaya mabilis akong lumingon para lang magulat ng makitang nasa harap ko na ngayon si Kingrand. He's staring at the notebook I'm holding while I'm staring at his face. Magkasalubong ang kanyang mga kilay habang gumagalaw ang panga.
"Staring is rude," he whispered then glanced at me.
Nag-init ang pisngi ko at mabilis na yumuko para itago ang pagkapahiya.
"I-I'm not," there's a slight tremble in my voice.
Hindi sya nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at nahuli ko syang nakatitig rin sa'kin.
"Staring is rude," I said in a casual tone.
He shrugged his shoulder. "I'm not."
My face distorted with irritation.
"Kingrand,"
Napalingon ako sa boses na iyon at may babaeng palapit sa'min. Ibinalik ko ang tingin kay Kingrand at gulat ng makitang nakatitig pa rin sya sa'kin kahit ng tuluyang makalapit sa'min ang babae ay nasa akin pa rin ang mata nya.
"Wow! Tama nga sila na lagi ka ng nandito, Kingrand!" malambing na sabi ng babae dito.
Doon nya lang nilingon ang babae. Napakurap-kurap ako, nag-iinit ang pisnging umatras saka tumalikod at malalaki ang mga hakbang na lumayo doon. Habang naglalakad at nakasanayan na, I wore my earphone and played some music. Natigil lang ng mapadaan sa tulay. I stopped for awhile as I smiled and stared at the orange and blue sky.
Sa gilid ng mata ay may napansin akong may palapit na lalaki kaya nilingon ko ito, napaatras ng makilala ito. Kumabog ang dibdib ko pero nakuha ko pa rin syang simangutan. Ano na namang ginagawa nito dito? At di ba may sasakyan sya kaya bakit sya naglalakad ngayon?
"Nahulog mo," he said coldly with his dark brooding eyes like I've done something wrong to him.
Inalis ko ang earphone saka ibinulsa iyon at nagtatakang napatingin sa hawak nyang papel.
"You have a love letter!" He spite.
My eyes widened and I quickly get the paper in him. It was folded in three and I groaned when I saw Bryan's name written at the end with smiles and hearts.
Humarap sya sa palubog na araw saka ipinatong ang siko sa barandilya habang humihinga ng malalim. Siguradong nabasa nya iyon pero bakit kasi nya binasa? Hindi nya ba alam ang salitang privacy? At ano namang iniisip mo, Bryan at binigyan mo pa ako ng ganito?
Hindi ko na binasa ang kabuuan non at isiningit na lang iyon sa notebook. Kumunot ang noo ko ng may mapansing kakaiba sa notebook.
"You're not going to read it?" He gave me a sideway glance but I immediately looked away.
"Sabihin mo na lang sa'kin kasi mukhang nabasa mo na rin naman." Sarkastiko kong sabi.
I turned some pages of my notebook and I froze when I saw another letter there.
"To my dearest Ash, I can't describe and tell how much I'm happy that at last you talked to me---"
"Stop!" Hiyaw ko.
Dahil sa narinig ay isinarado ko ang notebook ko, tuluyan ng nakalimutan ang tungkol sa isa pang sulat.
His face darkened as he stared at my eyes. "Ano? Wala pa nga sa kalahati iyon!"
Ang hudyo, binasa talaga nya. Ang galing! Ang galing-galing talaga! Slow clap for you, Kingrand!