Kabanata 43

1332 Words

Sphade's Point of View: "Alam mo. Ngayon pa lang, masanay ka na sa akin. Nang wala ka pa dito, ako lagi ang nag-aalaga kay Mang Tisoy. Kaya nga kabisadong kabisado ko na ang istorya ng buhay niya eh. Simula ng dumating ka sa buhay niya hanggang sa iwan ka niya sa bahay ampunan." "Lahat?" maraming tanong ang naglaro sa isipan ko. Sa tinagal tagal kong nawalay kay papa, hindi ko na alam ang mga nangyari sa kanya. Walang kaideideya kung ano. Si Mauie. Siya lang ang makakasagot sa mga katanungan ko. "Yep!" pataas na tonong sabi niya. "As in lahat lahat. Gaya nga ng sabi ko kanina. Halos maumay na lang ako sa paulit ulit niyang pagkikwento tungkol sayo." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang kamay. Lumaki pareho ang bilugan niyang mata dahil sa di inaasahang paghawak ko sa k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD