Sphade's Point of View: "Magmeryenda ka muna." alok ko kay Mauie na hanggang ngayon ay nandito pa rin. Kahapon pa siya nandito simula ng dumating ako at hindi pa siya umuuwi sa kanila. Wala ba tong bahay? Naiilang na rin ako sa pagtitig niya. Pansin ko lang, bawat kilos ko kasi ay lagi siyang nakamasid. Sumagi tuloy sa isip ko na baka pinagsasamantalahan niya na pala ako sa isip niya. Tungkol naman kay papa. Kanina ko lang nalaman na magtatrabaho pala siya bilang isang construction worker. Sa loob ng 10 taon ay doon niya lang daw ginugol ang buhay niya. At kani kanina lang ay pumasok na ulit siya sa trabaho. "Alam mo Karl-"pinutol ko ang sasabihin niya. Sa isang simpleng salita. Pagbigkas ng pangalan ko. Sphade. Sphade Empinio. Ang bagong pangalan ko. "Okay. Sphade. Kamukhang kamuk

