Aouie's Point of View: Nakayakap lang ako ng mahigpit kay kuya Xander. Pinagmamasdan ang maamo niyang mukha habang natutulog. Matagal na rin mula nang huli kong napagmasdan ang mukha niya. Nakakamiss siya. Hindi pa man sumisikat ang araw mulat na mulat na ang mga mata ko. Susulitin ko ang oras na tulog pa siya. Ang titigan lang siya ng matagal. Sa tuwing gising kasi siya sobrang ligalig niya. Hindi ko napigilang halikan siya sa pisngi. Matagal. Napangiti na lang ako. "I love you kuya." bumilis ang t***k ng puso ko nang sambitin ko ang katagang yun dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko. "I love you too." napalingon ako sa kanya. Gising siya? Baka guniguni ko lang yun? Pero rinig na rinig ko. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at kinusot-kuso ito. Nakakahiya. Hinalikan ko

