Kabanata 47

1914 Words

"Xander Cordova. Laya ka na." Aouie's Point of View: Nandito ako ngayon sa puntod ni mama. Mag-isa at umiiyak. Tatlong araw na ang nakalipas nang ilibing si mama. Sobrang miss na miss ko na siya. Kung kaya ko lang sana ibalik ang panahon ginawa ko na. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Gusto ko sumbatan ang sarili ko dahil sa mga kasalanan ko.  Kung hindi lang sana naging matigas ang ulo ko. Sana sinunod ko na lang lahat ng bilin niya. Sana hindi ko siya iniwan mag-isa nang araw na yun. Sana nandito pa siya sa tabi ko. Pero lahat nang yun ay 'sana'. Imposible nang mabalik ang mga sinasabi kong sana. Nangyari na ang nangyari.  Huli na ang lahat para sa akin.  "I missed you ma." pinunasan ko ang puntod niya kung saan naka-ukit ang kanyang pangalan na natuluan ng luha ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD