Aouie's Point of View.
*tok *tok *tok
Bigla akong nagising sa isang ingay na nagmumula sa pintuan ng kwarto namin ni Kuya Xander. Tiningnan ko si kuya pero tulog na tulog pa rin siya. Napuyat ata kagabi sa movie marathon namin?
Masaya ako ngayon dahil wala na kaming pasok. Alam na this .Its the first day na summer vacation namin. Yehey! Party tayo! Chos! Ang saya kapag summer, wala kang gagawing mga school stuffs.
"Aouie? Xander? Wake up na." paggising ni mommy mula sa labas ng kwarto. Epal nga lang. Kailangan pa rin naming gumising ng maaga. Ewan ko ba? Nasanay na siguro si mama ng ginigising kami ng maaga?
"Gising na po." sagot ko naman kasabay ng paghikab ko.
Inaantok pa rin ako. Gusto ko pa ring matulog, dahil sa movie marathon na yun napuyat tuloy ako ng sobra. Pano hindi kami mapupuyat, 3 AM na kami natulog ni kuya Xander.
"Bumaba na kayo. Ready na yung breakfast sa baba." sigaw ni mommy ulit at narinig ko ang paglakad nito papalayo sa kwarto namin ni kuya Xander.
Ginising ko na si kuya Xander para mag almusal pero hindi niya lang ako pinansin. Sa ganitong oras , nananaginip pa yan. Ang sarap kaya matulog. Natulog na lang siya ulit.
"Kuya! Gising na." paggising ko sa kanya at niyugyog siya.
"Hmmm.. Inaantok pa ako." sabi niya sa akin pagkatapos ay pumikit ulit. Bahala siya dyan.
"Kuya naman eh. Gising na!" sigaw ko sa kanya sabay hila ng comforter ng kama niya.
"Ayoko! Gusto ko pang matulog." at tumalikod siya sa akin. Ay! Ang kapal ha. Talikuran ba naman daw ako.
"Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo."
Pinabayaan ko na lang siyang matulog dun and ako naman ay naligo na lang. Daily routine ko kasi yun, tuwing gumigising ako naliligo na ako agad.
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong bumaba para mag-breakfast. Binaba ko na rin yung pinagkainan namin kagabi. Ayun yung bakulaw, tulog pa rin hanggang ngayon. Hehehehe.. mapag tripan nga muna.
"Good morning mommy." sabay kiss ko sa cheeks.
"Good morning Aouie.Si kuya Xander mo. Gising na ba?" tanong ni mommy sa akin.
"Ayun po. Tulog na tulog pa rin." pagkasabi ko nun ay bigla naman akong napatawa. I wonder kung anong reaksyon niya kapag nakita niya yung mukha niya sa salamin. Paniguradong maiinis yun. Just wait guys, the show will start soon.
"Oh! bakit ka tumatawa?" pagtatakang tanong ni mommy sa akin.
"Wala po. Tara mom, kain na po tayo." yaya ko na lang kay mommy at natatawa pa rin ako hanggang ngayon.
Habang kumakain kami ni mommy ay may bigla kaming narinig na isang sigaw ng lalaki at si kuya Xander yun. Hinding-hindi ako magkakamali.
Maya maya pa ay nakita ko ng tumatakbo na si kuya pababa. Galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya. Natatawa ako sa ekspresyon ng mukha niya. PROMISE!!
"WHO DID THIS TO MY FACE?!" galit niyang tanong sa aming dalawa ni mommy.
Natatawa naman si mommy sa pagmumukha ni kuya Xander. Paano hindi siya magagalit eh ginuhitan ko lang naman ang mukha niya ng mukha ng pusa. Woah! Ang saya talaga niyang pag-tripan.
"I dont know." sagot ni mommy habang natatawa pa rin.
Tumingin naman ng ubod ng talim sa akin si kuya Xander. Patay tayo dyan! Baka nahalata tayo?
"AOUIE!" galit na galit na sigaw ni kuya sa Xander sa akin habang nakatingin pa rin sa akin.
"Bakit kuya? Ako pinagbibintangan mo nyan? May evidence ka ba?" sunod sunod kong tanong kay kuya.
"Sino pa ba ang kasama ko sa kwarto? Diba ikaw?" galit na tanong sa akin ni kuya.
"Malay mo yung pusa ko ang gumawa nyan." dahilan ko naman at nagtago na ako sa likuran ni mommy.
"PATAY KA SA AKIN!" sigaw niya sa akin ulit at ayun, hinabol niya na ako.
Naghabulan kami ni kuya ng naghabulan sa buong bahay. Hay.. kakapagod.
"Aouie. Lumabas ka na dyan. Hindi na ako galit sayo. Promise." pananakot niya sa akin habang hinahanap ako.
Akala niya matatakot ako sa ginagawa niya. Sorry na lang siya, hindi ako takot sa kanya.
"Aouie. Alam kong nandyan ka lang sa loob ng CR. Lumabas ka na dyan." siya
Ha? CR?! Hindi ah. Wala ako sa CR, nandito lang naman ako sa ilalim ng kama niya. Sorry na lang siya. Hindi niya ako mahahanap. Ang bagal niya kasi tumakbo kaya hindi niya ako naabutan.
Hindi nagtagal parang hindi ko na nakikita yung paa niya pero hindi ko naman narinig na lumabas na siya. Siguro hindi ko lang napansin yung paglabas niya.
"Akala niya mahuhuli niya ako ha?" sabi ko sa sarili ko habang nagpapagpag ng damit ko.
Nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita sa bandang likuran at alam ko ang boses na yun. PATAY!
"May sinasabi ka?" sabi ni kuya Xander na parang nang-aasar.
Pagharap ko sa kanya.Nakita ko siyang bakas sa mukha niya ang sobrang galit. IM SO DEAD.
"Kuya? Let me explain." pagmamakaawa ko sa kanya.
Tatakbo na sana ako palabas ng kwarto ng bigla niya akong hablutin pabalik sa kanya.
"A! A! A! Akala mo makakatakas ka pa sa akin? Magdasal ka na kay God dahil eto na ang huling araw mo. Goodbye." sabi niya sa akin habang hinihila ako papalapit sa kanya.
Nakita ko na may hawak siyang pen. Patay na talaga ako. Mukhang his making his own revenge?
"Kuya. Please huwag mo namang gawin sa akin yan." pagmamakaawa ko. Nagpuppy eyes pa ako para lang gumana pero kabaliktaran lang pala. I swear I should take the risk.
"Bakit? Nagmakaawa ba ako nang gawin mo toh sa akin? Diba hindi?" sabay turo sa mukha niya. Alangan hindi? Pano siya magmamakaawa, tulog mantika siya ng ginawa ko yan. Ano yun? Sleep talk?
*tok *tok *tok
"Aouie? Xander? Tama na yang kalokohan na yan. Kumain na kayo dun sa baba." mommy you save my life. Anghel ka talaga sa buhay ko.
Yes mommy! You save my life este face pala?! Thankie.
"Pasalamat ka kay mommy." at lumabas na siya sa kwarto. Mukhang nagtampo ata? Seneryoso niya yung ganung bagay? Pero I feel sorry pa rin.
Patay! Nagalit ata si Kuya Xander sa akin? Napikon ata sa ginawa ko sa mukha niya?
***
"Kuya? Galit ka pa ba sa akin?" tanong ko kay kuya.
Hindi siya naimik. Busy kasi sa paglalaro ng tekken 6 sa Xbox niya or sadyang galit lang talaga siya sa akin.
"Uy! Mamansin ka naman." lumapit ako sa kanya para makita ko kung galit pa ba talaga siya. Pinatong ko na lang ang ulo ko sa balikat niya. Ang bigat kasi ng ulo ko eh.
"Alisin mo nga ulo mo sa balikat ko. Natatalo na ako oh!" sabi niya habang busy pa rin sa paglalaro ng xbox niya. Wala talaga ata siyang balak mamansin. Ako na masama.
"Sorry na kuya. Kasalanan mo rin kasi yun eh. Ikaw kasi, tulog ng tulog. Yan tuloy, napag-tripan ka." pangkokonsensya ko sa kanya.
"So ako pa yung may kasalanan?!Ganun?!" sigaw niya sa akin pero nakatingin pa rin siya sa nilalaro niya.
"Kuya. Huwag ka nang magalit sa akin. Bati na tayo. Please." pagmamakaawa ko sa kanya habang naka-pout lips pa. Pangalawang beses na ako sa kanya nagpapacute ah.
"Oo na. Kaya tumigil ka na dyan. Para kang bata dyan tingnan sa ginagawa mo." bibigay ka rin naman pala eh. Pinahirapan niya pa ako.
"Talaga?! Bati na tayo? Thank you kuya." niyakap ko na lang siya sa sobrang tuwa. Oo! Natutuwa ako pero di lang talaga halata.
"But in three conditon."
"Ha? Three condition talaga?Pwedeng isa lang?" tanong ko naman sa kanya sabay kalas sa pagkakayakap. Ang dami naman palang alam ng kuya kong 'to. Akala ko bati na pala kami ng tuluyan, hindi pa pala.
"Oo. Three condition. Hindi pwedeng isa lang kasi malala yung ginawa mo sa akin." paglaruan ang mukha niya? Ang laki nga ng kasalanan ko. How sarcastic?
"Ano naman yung three condition na yun?" tanong ko sa kanya habang nakataas yung isang kilay. Nagtataka kasi ako bakit tatlo pa? Ako na mataray.
"First, huwag mo nang uulitin yun. Promise?"
"Oo naman. Ano pa?"
"Second, Ayokong may kasama kang ibang lalaki. Malinaw ba yun?" siya
"Syempre naman kuya." ako
"Promise?! Baka paiyakin ka lang kasi ng mga ibang lalaki dyan?" sabi niya sa akin sabay kindat.
"Huwag ka ngang pakindat-kindat sa akin.Walang epek yan sa akin. Gawin mo yan kay Juvia.nTsaka! Makikipag-usap lang, lokohin agad!! Ang tindi mo naman!" si Juvia. Juvia Scarlett. Girlfriend yun ni kuya.
"Bahala na. Buti na yung sigurado. Hindi mo pa ako sinasagot. Huwag kang makikipag-usap sa ibang lalaki ha." banta niya sa akin na may matching turo turo pa.
"Oo na po, master!" ako
"Ok yung Third naman, is huwag tayong maghihiwalay. Dapat kapit bisig tayo. Ok ba yun?" tanong niya sa akin sabay akbay.
"Ano bang klaseng condition yun. Ang simple-simple naman. Ok na yun. Deal." sabay abot ng kamay ko kay kuya Xander.
"Yakapin mo nga si kuya." tapos binuka niya na ang dalawa niyang kamay para yakapin ako. Huwag ka ng pakipot Aouie, kuya mo na ang nag-offer.
Hindi na ako umangal pa. Niyakap ko na lang si kuya. Hindi ko nga alam kung bakit sobrang lambing nito sa akin. May gusto siguro siya- kay Juvia, yung girlfriend niya. Huwag ka nga mag assume.
"Tulog na tayo." yaya ni kuya sa akin. Ang bilis ng araw. Kanina kagigising pa lang namin pero ngayon matutulog na ulit kami.
"Ok. Antok na rin ako." sagot ko naman sa yaya niya.
"Tabi tayo ah."
"Ayoko nga. May kama ka naman ha."
"Ayoko. Gusto ko katabi kita."
"Sige na nga."
"Thanks. I love you Aouie." sabay yakap niya sa akin.
"Tulog na tayo."
"Good night Aouie."
"Good night, kuya Xander."
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ