Kabanata 02

1384 Words
Aouie's Point of View. *kriiing *kriiiing *kriiiiing "Ang ingay naman ng alarm clock na toh." sabi ko sa sarili ko. Nagulat na lang ako kasi wala na si kuya Xander sa tabi ko. Wow!Isang malaking himala. Nauna siyang nagising sa akin. Hindi ko na lang pinansin kung nauna siyang nagising sa akin. Pumunta na lang ako sa cr para maligo. Ang init na kasi ng panahon ngayon eh. Tag-init na. Natapos na akong maligo. Nakapagbihis na rin ako. Habang nagbibihis ako ng damit ay bigla akong nakarinig ng isang sigaw ng isang lalaki. At kay kuya Xander na boses yun. Kaya aga-aga mainit na naman ang ulo. "No!Hindi ako papayag na kunin niyo siya!" sigaw ni kuya Xander sa dalawang tao na kausap niya at si mommy and daddy. "Mommy? Daddy? Sino po yung tinutukoy ni kuya Xander?" nagtataka akong nagtanong at napatingin sa kanila. Hindi ko sila kilala. Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ng isang babae na hindi ko naman kilala. Baliw ata? "Anak!!!Aouie?!" sabay yakap sa akin habang umiiyak. Pilit ko siyang inilalayo sa akin ngunit lumalaban ito upang mas yumakap sa akin ng mahigpit. "Mom. Who is she?" sabay turo ko sa babaeng yumakap sa akin. "Aouie. They are your true parents." malungkot na sabi sa akin ni mommy. Ano? Naguguluhan ako? Anong ibig nilang sabihin na- tunay ko silang mga magulang? Bakit walang nagsasabi na- No! It's not true. Gisingin niyo ako sa bangungot na 'to. Nagmamakaawa ako. Parang gumuho bigla ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni mommy. True parents? Ibig sabihin ampon lang ako nila mom? Hindi ko sila tunay na magulang? Hindi ko tunay na kapatid si Kuya Xander? Ganun?Hindi ako nakapag-salita sa sinabi ni mom. Nagulat ako. Nalungkot ako. Sobra. "Mom. Are you kidding me?" tanong ko ulit sa kanya at alam kong sa mga oras na yun ay handa nang lumabas ang mga luha ko sa mata ko. Sabihin niyang nagbibiro lang siya. Hindi naman ata magandang biro yan s araw na 'to. Umagang-umaga oh. "Aouie ko. Sumama ka na sa amin."paki-usap ng babae sa akin. Naguguluhan ako napatingin dito. Nagmamakaawa. "Aouie. Huwag kang sasama sa kanila. Please." pagmamakaawa sa akin ni kuya Xander. Kitang-kita ko ang luhang dumadaloy sa kanyang nangungusap na mga mata. Waring ipinapahiwatig na gusto niya pa akong makasama ng matagal. That time, hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa pagitan nila. Wala akong sapat na idadahilan kung bakit.  "Teka nga lang. Naguguluhan ako! Ano bang nagyayari?" sigaw ko ng malakas. Ano ba 'to? Kung trip nila akong sorpresahin ngayon, hindi sila nakakatuwa. Hindi ko kaarawan ngayon kung balak nilang manggulat. Dahil gulat na gulat ako sa mga rebelasyong naririnig ko. Totoo ba tong nangyayari sa akin? Sapakin niyo nga ako. Naguguluhan na talaga ako ha. Shete! Pucha! Putang ina! Ang sakit sa ulo. "Mom! Huwag niyo na pong ibigay si Aouie sa kanila. Ayaw kong mawala siya sa akin" pagmamakaawa ulit ni kuya kay mommy pero sa mga oras na yun ay mugto na kanyang mata kakaiyak. "Ano?" pasigaw kong tanong sa sobrang pagkagulat. Hindi ko inaasahan ang sinabi ni kuya. What is the meaning of this? "Mom! Pinapamigay mo ba ako? Ayaw niyo na ba sa akin?" tumulo na ang leche kong luha sa mata ko. Ano ba kasi yan? "Hindi naman sa ganun an-" pinutol ko na lang ang sasabihin ni mommy. Ayaw kong marinig ang rason niya kung bakit. "Ma! Kung ayaw niyo na po sa akin, sana sinabi niyo na lang kaysa ipamigay niyo ako. Bakit kailangan niyo pang magpanggap na ampon niyo ako. Ma! Hindi niyo po ba ako mahal? Answer me!"mahaba kong tanong kay mom. Sa mga oras na 'to ang daming katanungan ang gusto ko mabigyan ng kasagutan. Pero itong bwisit na nararamdaman ko ayaw makiayon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko akalain na masisigawan ko si mommy ng ganun. Nadala lang siguro ako ng galit? "Aouie. Listen to me." sabay hawak sa mukha ko ng dalawang kamay niya. "Ginagawa ko toh dahil-" "Dahil ano? Ayaw niyo na sa akin? Ma! Ano ba ang nagawa kong masama sayo?" Bakit niyo ako ginaganito? "Tama na Aouie." awat sa akin ni dad. Pumunta na lang ako sa kwarto ko. Ni-lock ang pinto at pahagulhol na umiyak yakap ang unan ko. Ayoko muna sila makita. Galit ako sa kanila. Inihagis ko ang sarili ko sa kama at tinakpan ang mukha ko ng unan. Gusto ko muna mapag-isa. Ayaw ko muna na may kausap. *tok *tok *tok "Aouie. Bunso!" tawag sa akin ni kuya Xander mula sa labas ng kwarto ko. Halata pa ang pag-iyak niya dahil sa paos niyang boses. "Aouie. Open this door. Please." sigaw niya ulit sa pangalan ko. Hindi nagtagal hindi ko na narinig na tumatawag sa akin si kuya Xander. Napapikit na lang ako sa sobrang pag-iyak. *** Third Person's Point of View Samantala, nag-uusap ang tunay na magulang ni Aouie at mommy at daddy niya. "Pwede bang bigyan mo kami ng kahit isang araw para makasama at makapagpaalam sa anak ko?" pakiusap naman ng mommy ni Aouie. "Sige. Payag ako. Pero pagkatapos ng isang araw kukunin ko na siya sa inyo." mataray na sabi ng babae na sabi ito ang mommy niya. "Salamat, Lina." at niyakap nito si Lina, ang tunay na ina ni Aouie. Habang nag-uusap sina Iris at Lina ay napag-desisyunan ni Xander na puntahan si Aouie sa kwarto niya. *** Xander's Point of View. Habang nag-uusap sina mommy at Tita Lina, I decided to go to Aouie's bedroom. Kinuha ko muna yung susi ng kwarto ng kapatid ko sa office ni dad kasi doon nakalagay lahat ng susi ng bahay. Nadatnan kong tulog si Aouie. Nakabaluktot at yakap-yakap ang unan niya. Napagod ata kakaiyak? "Aouie? Tulog ka ba?" tanong ko sa kapatid ko na mawawalay na siya sa akin. Paniguradong mamimiss ko ang naging pagsasama namin ngayong maghihiwalay na kami. Hindi ko lubos maisip na darating na kinakatakutan ko sa buong buhay ko. Ang mawala siya. "Aouie. Alam kong galit ka sa amin." marahan kong hinagod ang malambot niyang buhok. Nabigla naman ako nang nagsalita siya. "Bakit nila ginawa 'to sa akin?" tanong ni bunso sa akin at hindi pa rin tinatanggal ang unang nakatakip sa mukha niya. "Hindi naman namin 'to ginusto. Ayaw rin ni mom na mawalay ka sa kanya, sa amin. Pero walang magagawa si mom kasi wala naman kaming karapatan para ipagdamot ka namin sa kanila." mahaba kong paliwanag kay Aouie. Kahit masakit kailangan kong tanggapin ang katotohanan. "B-bakit wala kayong karapatan na ipagdamot ako sa kanila?" utal niyang tanong sa akin. Bumangon siya at nagtatanong na tumingin sa aking mata. Bakas pa dito ang luha ng kasakitan niya. "Dahil siguro sila yung tunay na pamilya mo.Kaya mas may karapatan sila sayo kaysa sa amin." rason ko naman. Sinusubukan kong pagaanin ang sakit na pinapasan niya. "Syempre may karapatan kayo sa akin dahil kayo ang nag-aruga sa akin simula noong bata ako. So, bakit wala kayong karapatan sa akin?" "Siguro ano-naputol kong sagot. "Lumabas ka muna. Gusto ko lang mapag-isa." Hindi ko na lang siya sinagot. Umalis na lang ako sa kwarto niya ng tahimik. Sa totoo lang. Nalulungkot at nasasaktan din ako sa nangyayari sa amin ngayon. Kung bakit nangyari pa ang lahat ng 'to sa buhay ng pamilya namin? Ayaw na ayaw kong mawala si Aouie sa piling ko matapos ang maraming taon na pagsasama namin bilang magkapatid. Kung hindi niyo naitatanong, alam kong darating ang araw na mawawalay siya sa piling namin. Mula pa noon alam kong ampon lang si Aouie. Alam ko ang tunay na mga magulang niya. Ngunit hindi ito naging dahilan para hindi namin siya ituring na oarte ng pamilyang ito. Nanatili lahat na isang sikreto. Sabi nga nila; Walang sekretong hindi nabubunyag. Pero heto, nangyari na ang kinakakatakutan ko. Ang mawala siya sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag wala siya. Kakayanin ko ba o sadyang mauubusan na lang ako ng galak sa aking mukha? Sana kapag nandun na si Aouie sa piling ng tunay niyang magulang, sana maging masaya siya at makalimutan ang mga pangyayaring 'to? Ang sakit sa puso, parang binibiyak 'to at tinutusok ng kung anong matalim na bagay. Sana hindi mo kami makalimutan kapag nandun ka na? ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD