Aouie's Point of View: Wala na akong nagawa kundi ang maupo ulit sa luumang sofa at hinintay na tumila ang malakas na ulan. Sa ngayon, kailangan ko munang magpaubaya pero ngayon lang. "Ay chaka! Nandito ka pa pala?" wagas naman toh kung makapanget. Alam kong panget na ako dahil sa hitsura ko ngayon. Lumapit ito sa akin. "Nagugutom ka na ba? Nagluto ako ng tinolang manok, baka kasi lamigin ka?" ngumiti ako ng mapait sa kanya. "No thanks. Pauwi na rin naman ako. Hinihintay ko na lang na tumila yung ulan." tango lang ang sagot niya kasabay sa pagbuka ng bibig niya. Sadyang maligalig lang siguro tong lalaking toh o isang tulad ko- na isang ano. Basta yun na yun. Ang hirap sabihin. Ngayon ko lang napansin. Sa haba ng oras sa pananatili ko dito, ni hindi ko man lang nakita ang papa niya sa

