Kinley's Point of View: Nakatulog na si Aouie sa kakaiyak niya kanina. Naaawa na ako dahil hirap na hirap na siya sa mga problemang pinapasan niya. He's too young to face these kind of f*cking problems. Pati ako nakokonsensya sa ginagawa ko, imbes na matulungan ko siya hindi dahil mas lalo ko lang siya pinapahirapan. Sa mura niyang edad ay pinagdadaanan niya na ang mga ganitong klase ng problema. Kita ko sa mga mata niya habang umiiyak siya ang sakit. Aminado ako nag aalala na ako sa mga nangyayari. Yung pagmamakaawa niya sa akin na sabihin ko kung nasaan si Sphade. Kapag sinabi ko pa ang totoo sa kanya kung nasan siya, mas lalo lang silang mahihirapan. Lalong lalo na si Sphade. Bagong buhay na ang tatahakin niya. Alam kong masakit para sa kanya ang paglayo niya, but he needs to because

