Aouie's Point of View: "May malalim na dahilan kung bakit mas piniling lumayo ni Sphade sayo..." "Anong..." "At may kinalaman dito ang mama mo." Hindi tama ang narinig ko. Bakit pati si kuya Sphade inilalayo niya na rin sa akin? Para saan? Anong balak niya? Isa yan sa mga tanong na nabuo sa isip ko ng marinig ko ang katagang yan. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya sa sinabi niya. Pero posible yung mangyari, posibleng siya ang may kagagawan nito. Siya rin ang dahilan kung bakit bakit kami nagkahiwalay ni kuya Xander. "Si mama?" mata sa mata kong tanong sa kanya. Kung alam niya na si mama ang nagpaalis sa bahay kay kuya. Isa lang ang ibig sabihin nito. Alam niya rin kung ano ang dahilan ng pagpapaalis nito sa kanya. "Bakit? Bakit pinaalis ni mama si kuya?" napayuko at napabit

