Aouie's Point of View: Agad kong isinalampak ang sarili ko sa kama ko sa sobrang pagod. Hindi ko kasi kinaya yung nangyari kanina habang nakasakay ako sa kotse ni Kinley. Humugot na lamang ako ng malalim na hinga sa sobramg frustration. Bakit ganun? Bakit hindi ko siya pinigilan sa ginawa niya kanina. Ewan ko ba pero sa tuwing magkasama kaming dalawa, nawawala ako sa sarili ko. Yung parang umaalis yung sarili kong katinuan kapag nandyan siya. Sh*t lang pero, nagustuhan ko yung paghawak niya sa kamay ko habang tinatahak namin ang daan pauwi. Kanina hindi ko alam pero hindi naman mainit sa loob pero pinagpapawisan ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang mahulog ang loob ko sa antok. Iminulat ko ang mata ko sa nararamdaman kong patak ng tubig sa mukha ko. Dahan dahan kong iminulat

