Aouie's Point of View: Nanatili lang akong nakaupo sa isang sulok habang nakadungaw pa rin sa bintana. Tinatanaw ang ibang mga esyudyante na bitbit ang kanya kanya nilang payong upang hindi mabasa ng malakas na buhos ng ulan. Ulan... Parang ako ngayon. Malungkot. Napakadilim ng buhay ko ngayon mistulang isang kalangitan na nagbabantang ibuhos na naman ang dala nitong ulan. Napatingin ako sa babaeng sumigaw.Si Aliah.Basang basa ng dahil sa ulan. Parang basang sisiw na nakakaawa. Parang ako. Isang biktima na nakulong sa kwartong balot ng kadiliman. "Lalim ng iniisip bes ah." dahil sa lalim ng iniisip ko di ko na napansin na nakalapit na pala sa akin si Aliah. Basang-basa yung buhok niya. "Wala. Nakakaantok lang kasi yung ulan." "Alam mo bes. Nakakainis yung ulan na yan eh. Bwisit! Nab

