Aouie's Point of View: Pinunas ko agad ang luha ko ng marinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Aouie? Pwede ba akong pumasok?" rinig kong sabi ni kuya Sphade. Inilapag ko muna ang hawak kong picture frame bago ko siya pagbuksan ng pinto. Bumungad sa akin ang mapait na nakangiti na si kuya habang may dala-dalang pagkain. "Pasok ka kuya." tumalikod ako sa kanya at naupo sa kama ko. Inilapag niya ang hawak niyang tray bago umupo sa tabi ko. "Iniisip mo pa rin ba yung nangyari kahapon." napatingin ako sa mga mata niya. Kitang-kitang mo sa mata niya ang pagaalala sa akin. Ayokong mang umiyak ng dahil kahapon, pero namamalayan ko na lang na may lumalabas nang luha sa mata ko. Umakbay siya sa akin at marahang pinalo ang balikat ko.Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait. "Okay l

