Aouie's Point of View: "Mama..." hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa nakikita ko ngayon. Hindi maari to? Hindi to totoo. Guniguni lang to. Malabo tong mangyari dahil malabong malaman ni mama na nandito kami. Seryoso ang mukha ni mama habang lumalapit sa akin. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan dahil sa aftershock. Parang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. Kahit anong pilit kong igalaw ang katawan ko pero ayaw niya pa ring sumunod. Parang may sarili itong isip. Nakaramdam ako ng pamamanhid ng kaliwang pisngi dahil sa lakas ng sampal sa akin ni mama. Bumagtas ang mga luha ko sa pisngi na kanina pa gusto ng kumawala sa aking mga mata. Nanggagaliiting nakatingin sa mga mata ko si mama ngayon. Kahit hindi pa siya nagsasalita alam kong galit at poot ang nararamdama

