Aouie's Point of View: "Galit na yan agad." "Hindi ako galit, naiinis lang ako." "Huwag ka ng magalit kay daddy." "Hindi nga ako galit. Tsaka stop calling yourself daddy because I'm not your baby." "Did I say na baby kita. I'm just calling myself daddy." masyado kang assumera Aouie... Pero obvious naman na kapag tinawag mo ang sarili mong daddy parang may baby ka na and that's me. Inismiran ko na lamang siya at hindi pinansin sa kadaldalan niya. Daig pa babae teh? "Sige ka kapag galit ka pa, hahalikan kita." "Hindi nga ako ga---" Then the next thing I knew is kuya Xander gave me a fast smock kiss on my cheeks. Kahit sa pisngi lang niya ako hinalikan, naging dahilan pa rin yun ng pagkatulala ko. Natauhan ako nang hinawakan ako ni kuya sa magkabilang pisngi ko at hinarap sa kanya.

