Aouie's Point of View: "Ghawd ka Kinley! Bakit mo ako sinukahan?" atungal ko.bNakakabanas yung pangbungad niya sa akin shemay! "Shiinoo khhaa?" tinuro niya pa ako kung sino ako. Heler! Lasing lang siya ha, hindi siya nagkaroon ng amnesia. Kung makatanong naman toh wagas "Che! Nalasing ka lang di mo na ako nakilala." inismiran ko siya. Nakakabanas na siya. Sinukahan niya na nga ako tapos di niya pa ako nakilala. Whats more? Tumingin ako sa likuran niya upang malaman kung nasaan yung dalawa kong kuya. Hindi naman kayo nagtatanong pero gusto ko lang sabihin sa inyo. Alam niyo naman siguro kung bakit naging step brother ko na silang dalawa diba? Actually, hindi niyo pa alam kasi hindi ko pa kasi nasasabi sa inyo kasi kahit ako, di ko rin alam. Kuya pa rin ang tawag ko sa kanilang dalawa

