Aouie's Point of View: "Tungkol lang yun sa pagalis ko." Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Aalis siya? Pero bakit? "Tama ba yung dinig ko? Aalis ka?" tumango na lamang siya bilang sagot. "Pero bakit?" naiiyak na naman ako sa mga nangyayari. Bakit ba ganito ang ikot ng buhay ko? Lagi na lang akong iniiwan ng mga mahal ko sa buhay? "I want to see my true dad." napaisip ako sa sinabi niya. TRUE DAD? Ibig sabihin pupunta siyang Japan para makita si papa? "Anong ibig mong sabihin?" takha kong tanong. "Hindi ko na kayang magtiis! Gusto ko nang makita ang totoo kong tatay!" nagulat ako sa pagsigaw niya. Pero hindi pa rin ako nagpatinag sa sigaw na yun. "Huwag mong sabihin na---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya pero this tim

