“Mabuti naman at napadalaw ka ulit,” natutuwang wika ni Lola Andeng sa apo niyang si Nathan. Nakaupo sila ngayon sa upuan na nasa hapag-kainan. Magkatabing naka-upo sila Lola Andeng at Lolo Eliseo habang nakaupo naman sa katapat nilang upuan si Nathan. Ngumiti naman si Nathan. “Bigla ko kasi kayong na-miss,” malambing na sabi niya. “Totoo ba ‘yan, Apo?” nangingiting tanong ni Lola Andeng. Tumango-tango naman si Nathan. Mataman namang nakatingin si Lolo Eliseo sa apo na si Nathan. May kakaiba siyang napapansin. “Okay ka lang ba, Apo?” Hindi napigilan ni Lolo Eliseo na magtanong. “At bakit mo naman naitanong ‘yan sa apo mo, ha?” tanong naman ni Lola Andeng sa asawa. Tiningnan ni Lolo Eliseo si Lola Andeng. “Tingnan mo ang mga mata ng apo mo… halatang malungkot at itinatago lang niya s

