“Mama, wala pa rin po ba si Papa?” pagtatanong ni Liam sa kanyang ina na si Christine. Nakaupo ito ng pa-indian sa isang king size bed dito sa loob ng isa sa napakalawak na kwarto ng mansion kung saan ito ang napili nilang tuluyan na mag-ina. Napatigil si Christine sa pag-aayos ng mga gamit nila ni Liam at napatingin sa anak. Nilapitan nito si Liam at naupo sa tabi ng huli. “Wala pa anak. Baka bukas makita mo na rin siya,” ani ni Christine saka ngumiti nang maliit. Alam naman ni Christine na nagpupunta rito sa mansion si Matthew dahil na rin sa anak nila ni Veronica. “Miss na miss mo na talaga ang papa mo ‘no?” tanong ni Christine kay Liam. Tumango-tango si Liam. Napangiti na lamang ulit si Christine at marahang hinimas sa ulo ang anak. Napatingin ang dalawa sa pintuan ng kwarto n

