Mabagal na naglalakad si Veronica patungong kusina para uminom ng tubig. Mabuti na lamang at nakatulog na si Ash sa crib na nasa loob ng kwarto niya. Nakakaramdam na kasi siya ng pagod sa pag-aalaga sa kanyang baby at gusto na rin muna niya na magpahinga kahit sandali lamang. “Veronica!” Mabilis na lumingon si Veronica sa kinaroroonan nang tumawag sa kanya. Nakita niya si Christine. Nasa dining room ang mga ito at kasama nito ang anak na si Liam na nakaupo sa hapag-kainan at kasalukuyang pinagsasaluhan ang mga pagkain na nasa hapag. Tumaas ang kanang kilay ni Veronica habang nakatingin kay Christine na nakangiti lamang sa kanya ng nakakaloko. “Nagugutom ka na ba? Baka gusto mong saluhan kami sa pagkain?” nangingiting tanong ni Christine. “Baka sabihin mo kasi na ang sama-sama kong tao

