HINDI mapakali si Arthur habang naghihintay sa labas ng delivery room ng Hospital kung saan niya dinala ang asawa. Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad. Alam niyang kung may makakakita man sa kanya ngayon ay siguradong pagtatawanan siya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klaseng kaba sa buong buhay niya. Kahit gaano pa kadelikado ang sitwasyon niya sa 'twing may operation sila sa UP ay hindi siya nakaramdam nang labis-labis na kaba katulad ng nararamdaman niya ngayon! Parang sasabog ang puso niya! Tinawag na niya lahat ng dapat tawagan and everyone is telling him to relax ngunit hindi man lang iyon nakabawas sa kabang nararamdaman. "Arthur!" Napatigil siya sa paglalakad nang humahangos na lumapit sa kanya ang kakambal na si Altheia. "How's Almira?" tanong nito. Umilang l

