Mula sa balkonahe ng Alien house nila ni Arthur, masayang nakatunghay si Almira sa mga Architects and Engineers na kasalukuyang pinagpaplanuhan ang pagtatayo ng tree house sa malawak na hardin. Right after their beach wedding, Arthur asked her to design a house. Ang gusto kasi nito, siya ang pumili nang lahat-lahat para sa magiging bagong bahay nila. At first, she was so excited, but after their short honeymoon, nagbago ang isip niya. Ang gusto na lamang niya ay tumira sila sa alien house. They have a lot of memories there na hindi niya kayang basta na lamang iwanan kahit pa sinabi ni Arthur na they could always visit kahit kailan niya gusto. Sobrang napamahal na sa kanya ang Alien house turn home nila na kahit madalas siyang mabukulan dahil sa mga glass wall sa secret room ay hinding-h

