YAMOT na yamot si Almira habang pabagsak na isinisilid sa bagahe ang mga damit na dadalhin niya para sa beach escapade nilang magkakaibigan. Kanina pa din niya iniirapan si Arthur na nanonood sa pagdadabog niya. "What?" Pigil ang ngising tanong sa kanya ni Arthur. Sa sobrang inis kasi niya ay binato niya ito ng damit na sinalo lang nito. "Nakakainis ka! Kasalanan mo lahat 'to!" Mangiyak-ngiyak na sagot niya. "Noon niyo pa pala napagplanuhan ito, pero ngayon mo lang sinabi sakin kung kailan paalis na! Hindi tuloy ako nakabili ng bagong swimsuit! Paano ko pagkakasyahin ang mga ito sa malaking tiyan ko?!" Ipagduldulan niya pa ang mga lumang swimsuits sa mukha nito. Lukot na lukot na ang mukha niya pero ang magaling niyang asawa ay nagniningning pa ang mga mata sa pagkamangha. "Art

