HILA-HILA ni Arthur si Almira patungo sa loob ng kabahayan. Nagpupumiglas si Almira pero dahil mas malakas sa kanya si Arthur ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatangay na lang. "Love, wait, madadapa ako sa ginagawa mo, eh!" Reklamo niya. Ilang beses na kasi siyang natalisod. Huminto sa paglalakad si Arthur. "I'm sorry. Ikaw kasi, eh. Ayaw mong magpaawat. Sabi ko naman sa'yo hayaan mo na silang ayusin ang gusot nila." "Eh, nanggigigil talaga ako sa Deia na 'yon! Kakalbuhin ko talaga ang babaeng 'yon!" "Love naman, haya-" "Bakit ba pinagtatanggol mo ang babaeng 'yon, huh? Alam mo naman ang ginawa niya, diba? Nakakainis kana, huh!" "Ang emosyonal naman ng mahal ko." Hinapit siya ni Arthur. "Hindi ko siya pinagtatanggol. Ang sakin lang, intindihin natin na nasaktan siya. Niloko si

