CHAPTER 26

5362 Words

MATUTULOG na lamang sina Almira at Arthur nang mabanggit ng huli ang mga umaaligid kay Almira. Isasagot na sana ni Almira na sinasadya niyang ipakita ang engagement ring niya nang mapansin niyang wala iyon sa daliri niya. Agad na umalis siya sa pagkakayakap ni Arthur at tumakbo papasok sa banyo. Dumeretso siya sa sink kung saan niya madalas ipatong iyon. Suot niya ang promise ring kaya imposible namang ipinatong niya iyon doon.  Iniisip niya kung saan niya posibleng nailagay iyon. Nagswimming sila sa beach ni Arthur kanina pero imposible namang nahulog iyon sa dagat dahil nang matapos silang magswimming ay nagdinner sila sa hotel at suot parin niya ang singsing. Sumilip pa siya sa mga sulok-sulok pero wala talaga. Halos manginig na ang kamay niya sa paghahanap ng engagement ring niya. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD