NAPANSIN ng mga katrabaho ni Almira na iba ang aura niya ngayon. Kahit siya ay naninibago sa sarili. Masyado siyang hyper at sobrang gaan ng pakiramdam niya. Well, it's her birthday at natural lang na masaya siya. She has a lot of things to be thankful for. Kanina ay tumawag na din ang parents niya para batiin siya. Pero ang mas nakakapagpasaya sa kanya ngayon ay ang unexpected call ni Arthur. Hanggang ngayon ay naririnig pa niya ang pagkanta nito ng Happy Birthday. At hanggang ngayon ay nasa isip pa niya ang mukha nito habang nag-uusap sila through skype. Para siyang nasa alapaap. Pinawi ng tawag nito ang lahat-lahat ng lungkot sa puso niya. Namimiss parin niya ito pero hindi na katulad ng dati. "Hoy! Makangiti ka diyan, wagas!" Natawa na lang siya kay Anne. Wala itong magawa sa opi

