SEVEN days. It's been seven days since Arthur left. Malungkot pero kinakaya ni Almira. Unti-unti na siyang nasasanay na si Aacos ang kayakap niya sa pagtulog at hindi si Arthur. Unti-unti, nasasanay na siya na hindi ito nakikita. Hinahanap-hanap ng katawan niya ang mga yakap at haplos nito at ang tanging konsolasyon lang niya ay kapag bumalik na ito ay mapapawi lahat ng iyon dahil araw na araw na silang magsasama legally. Hindi din niya maiwasang mag-alala para sa kaligtasan nito kaya araw-araw ay hindi niya nakakalimutang ipanalangin ito. Mas naging maingat na rin diya dahil alam niyang kahit nasa malayo ito ay may mata ito sa kanya. At ayaw naman niyang problemahin pa siya nito kung sakaling mapahamak na naman siya. At simula nang umalis si Arthur, mas naging close sila ng mommy ni

