WAVES OF REGRETS EPISODE 45 TRAUMA SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Hindi ako iniwan ni Maverick. Nasa aking tabi lang siya palagi at niyayakap niya ako kapag nagsimula na naman akong umiyak. Nabawas bawasan na rin ang lungkot ko rito sa funeral home habang nagbabantay sa aking mga magulang. Buti na lang talaga ang dumating si Maverick dito at sinamahan niya ako buong mag damag. “Pasensya na kung hindi kaagad ako nakapunta rito, Sabrina. Huli na noong nalaman ko ang nangyari tungkol sa pamilya mo. Kaagad akong umuwi rito sa probinsya para mapuntahan ka, tumawag din si Baste sa akin at humingi ng pabor kung pwede ba kitang masamahan dito dahil nag iisa ka lang,” seryosong sabi ni Maverick habang nakatingin sa akin. Malungkot ang ngumiti at hinawakan ang kanyang kamay. “Pasen

