WAVES OF REGRETS EPISODE 46 DROWNED SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Hindi ako iniwan ni Maverick. Dito siya natulog sa kwartong tinutulugan ko. Binantayan niya ako sa aking pagtulog at hindi niya ako iniwan. Kinantahan niya ako at nilaro ang aking buhok upang ako ay makatulog. Hindi na ulit ako binabangungot dahil na rin siguro ito na nandito si Maverick sa aking tabi. Maaga akong naging at pagkatingin ko sa may orasan ay nakita kong 4 AM pa pala. Madilim pa sa labas at rinig na rinig ko ang alon na humahampas sa dagat. Napagpasyahan kong bumangon at lumabas sa kwarto. Tulog na tulog pa si Maverick ngayon at alam ko na pati siya ay napagod dahil wala rin siyang tulog katulad ko. Bukas na ang libing ng aking mga magulang at sumisikip na naman ang dibdib ko habang iniisip ko sila. Hindi k

