"Bakit parang pinagtataguan nila ako? May ginawa ba 'ko sa kanila?"
"H-hindi po ka damian. H'wag po sana kayong magalit. Pauwi no po kasi sila Ariel at tommy sa maynila e."
"Ano‽ Uuwi na sila?"
Nagulat si Aldrin sa reaksyon ni ka damian. Paran kasing dinaya ito nila Ariel at tommy sa kung anong bagay.
Nang makita ito ay sumenyas si markus kay Lukas at Jake na mauna na silang pumasok.
"Ka damian, may problema po ba?"
Napaisip si ka damian. "Kailan ba nila balak umuwi?"
"Kung hindi po bukas, baka sa makalawa na."
"H'wag mo muna silang pauwiin. Paaagahin ko ang selebrasyon ng kaarawan ko, para makaaten sila." Pagkatapos ay madilim ang mukha ni ka Damian na umalis.
Nakaramdam tuloy si Aldrin na parang may hindi tama kay ka damian.
Pagpasok ni Aldrin ay narinig niya na pinag uusapan nila Ariel at markus tungkol sa pagpunta ni ka Damian kanina. Sinabi ni Aldrin ang mga napag usapan nila ka damian.
"Ano‽‽" Nagulat sila Ariel at tommy at bigla na naman silang natakot.
"Sabi ko sa inyo e. Kung walang balak si ka Damian sa 'min, bakit desidido siya sa 'min." Wika ng natatakot na si tommy.
"Sa nakikita ko ay hindi na tayo puwedeng tumanggi pa, dahil ilang beses na natin siyang tinanggihan. Baka kasi magmukha na tayong ingrato niyan, lalo't lumalabas na magmamagandang-loob si ka damian sa 'tin. Isa pa kailangan nating makisama... Ang mabuti pa ay h'wag kayong hihiwalay sa 'ming apat pagpunta doon at dapat ay lagi namin kayong nakikita. H'wag kayong lalayo." Wika ni Aldrin.
"Oo. Ang balita ko pa naman ay medyo engrande daw ang birthday ni ka damian. Imbitado din daw 'yung taga kabilang isla saka 'yung isa pa." Ani markus.
"Wow! Mukhang exciting ang birthday celebration ni ka Damian a!" Tila excited naman si jake.
Sumang-ayon na lang sila Ariel at tommy. Dahil wala na rin na man silang magagawa pa dahil nasa teritoryo sila ng iba kaya, bubuntot na lang sila sa apat. Kapag natapos ang selebrasyon'g ito ay makakaraos na rin naman sila at makakauwi na rin sa kanila.
Habang natutulog na ang lahat sa kubo ay gising pa rin si Aldrin at naghahalungkat sa kanilang gamit. Meron siyang hinahanap.
Nakita niya ang hinahanap sa kailaliman ng mga damit nila. Nang kukunin na niya ito ay biglang may humawak sa kamay niya. "Ano 'yan ha?"
Nagulat si Aldrin at tinabig ang kamay ni Markus. "Pare, nakakagulat ka na naman. Aatakihin ako sa 'yo e. Akala ko tulog ka na."
"Hindi ako makatulog e. Naiisip ko 'yung birthday celebration ni ka damian kung ano ang mangyayari."
Hindi na pinansin pa ni Aldrin si markus. Kinuha na niya ang hinahanap.
"Ano ba 'yan?"
Nang makita iyon ni Markus: 'Yan 'yung paputok na binigay nu'ng katutubo a. Ano namang balak mong gawin d'yan?"
"Naisip ko lang ihanda na ito. Baka kasi kailanganin na natin." Ani Aldrin habang binabalot ang paputok sa isang tela.
Kinabukasan ay sumama na sila Ariel at tommy kila aldrin sa taniman, dahil hindi na rin naman nila kailangang magtago pa. Ngunit hindi sila lumalayo kila aldrin.
"Uy Ariel, tommy. Buti nakapasok na kayo. Akala namin ayaw n'yo nang magtrabaho dito e." Wika ng isang lalaki roon na kasundo nila Ariel at tommy.
"Hindi. Tin'rangkaso kasi kami nang sabay ni ariel e."
Habang nagtatrabaho ay nagkukwentuhan sila habang nakamasid naman si ka Damian at ilang lalaki sa malayo. "Ka Damian, itutuloy na ba natin ang plano natin sa kaarawan n'yo?"
"Oo. Kung mas maagap tayo, mas maaagapan natin ang aberyang puwedeng mangyari at makakasiguro tayong walang hahadlang sa mga kailangan natin gawin."
Kinabukasan ng madilim dilim pang umaga ay marami nang nag aasikaso ng kaarawan ni ka Damian. Meron mga nagkakatay ng baboy at manok, merong mga naghihiwa ng mga rekado, may nagkakabit ng simple't ilang banderitas, may nagse set up ng entablado at kung anu ano pa.
Pumasok si ka damian sa kusina. "Kumusta 'yung pinuntahan n'yo nila randy? Tingin n'yo ba'y magigising na 'yon?" Tanong ng asawa ni ka Damian habang nagpipiga ito ng kinayod na niyog.
"Oo, malapit na nga siyang magising at pag nagising siya dapat nakahanda tayo. Siguradong gutom 'yon."
Humarap ang asawa ni ka damian. Kasalungat ng kabaitang pinakikita nito sa mga tao, matatalim ang mga mata nito at madilim ang ekspresyon nitong humarap aa asawa.
"Siguraduhin mong hindi kayo papalpak at baka isipin ng kahalili na hindi natin ginagawa nang maayos ang trabaho natin."
"Alam na namin ang gagawin pero... 'yung dalawa?..."
Itinabi ng asawa ni ka damian ang gatang piniga at naghugas na siya ng kamay. "Ano bang lagi natin ginagawa sa mga pakialamero?"
"Pero, kasama sila nila Aldrin, kaibigan ni aldrin ang... Isa pa, hindi pa natin alam kung hanggang saan ang nalalaman nila."
Umismid ang asawa ni ka Damian. "Hmp! Ikaw ang bahala, pero sa oras na pumalpak ka, ako na ang kikilos at hindi ka puwedeng kumontra."
Dahil kaarawan ngayon ni ka damian, walang pasok ang mga mangagagawa ng taniman, dahil lahat ay imbitado.
Matapos mag almusal ay nagtungo sila aldrin sa malaking lote kung saan idadaos ang kaarawan ni ka damian. Tumulong sila ng mga gawain doon. Sila Ariel at tommy naman ay nakadikit lang kila aldrin kahit saan magpunta ang mga ito.
"Ariel! Tommy! Tulungan n'yo naman kaming magbuhat dito!" Sigaw ng isang lalaking kasundo nila Ariel at tommy.
Tiningnan ni tommy ang distansya ng lalaki sa kanila. "Puwede bang iba na lang? ang layo n'yo kasi e."
"Ha? Anong malayo?" Nagtaka ang lalaki sa sinabi ni tommy.
Siniko ni ariel si tommy. "Hindi. Ang ibig sabihin ni tommy, nanggaling kami sa sakit kaya baka mabinat kami pag nag buhat."
Napakamot ng ulo ang lalaki. "Ah, ganu'n ba?"
Maya maya ay dumating si ka damian. "Ariel, si ka damian." Bulong ni tommy.
Luminga-linga si ka damian sa mga tao kaya halos isubsob nila ariel ang mga sarili nila kila aldrin.
Nang makita si Aldrin ay lumapit si ka Damian. Nakita niya sila ariel at tommy sa likod ng mga ito.
******************************************
A/N
Pasensiya na po kayo kung ngayon lang ako nakapag update. Nawalan po kasi ako ng libreng wifi. wala po'ng trabaho si author kaya nakiki connect lang ako... Anyway po, sisikapin kong matapos itong storyang ito... sa mga nagbabasa at tumatangkilik, Salamat po.