Habang nagtratrabaho sila Aldrin ay nakamasid si ka Damian kasama ang ilang kalalakihan sa kanila sa malayo. Hindi malaman kung ano ang kanilang pinag uusapan ngunit panay ang sulyap nila sa direksyon nila Aldrin.
Nang matapos na ang maghapong pagtatrabaho ay lumapit si ka Damian sa mga manggagawa ay tinawag pa ang iba pa na nasa malayo.
Nang magkaipon ipon na ay: "Dahil maganda ang naging ani natin noong nakaraang anihan at dahil maganda ang naging bentahan, ibibigay ko ng mas maaga ang mga sahod n'yo."
Natuwa ang mga manggagawa ng taniman ni ka damian. Nagkatinginan naman sila Aldrin, markus, lukas at jake. "May sahod pala tayo?" Wika ni Jake.
"S'yempre, napapagod kayo sa pagtatrabaho at mga manggagawa kayo ng taniman ko kaya, nararapat lang na sahuran ko kayo. Isa pa wala nang libre ngayon."
Pagkatapos nu'n ay inimbitahan ni ka damian ang mga naroon sa selebrasyon ng kaarawan niya sa susunod na linggo.
Pag uwi nila Aldrin ay ibinigay nila ang sahod nila Ariel at tommy at sinabi ang kaarawan ni ka damian sa susunod na linggo. Ngunit nag aalangan sila Ariel at Tommy kung pupunta ba sila.
Kinabukasan. Naiwan sa bahay sila Ariel at Tommy dahil pumasok sa taniman ang apat.
Bago magkatanghalian ay nagluto ng tanghalian si tommy sa labas. Napansin niya na parang may naniniktik sa kanya.
Kahit natatakot ay hindi niya magawang umalis dahil hindi pa tapos ang kanyang niluluto kaya tinawag na lang niya si Ariel sa loob ng kubo.
Nang makaluto na ay ipinasok nila Ariel at tommy ang kaldero't mga kagamitan nila sa pagkain.
Nang makauwi na sila Aldrin ay sinabi nila Ariel at Tommy ang nangyari kanina. Dahil dito ay pakiramdam ng dalawa ay nanganganib sila. Mas lalo tuloy nilang gustong umuwi na sa maynila.
Dahil dito ay nagdesisyon na si Aldrin na paunahin nang pauwiin ang dalawa.
"Hindi pa rin ba kayo uuwi? Sumabay na kayo sa 'min, kasi siguradong hahanapin kayo ni ma'm megan sa 'min." Ani Ariel.
"Hindi muna, tingin ko'y kailangan pa talaga ako dito. Hindi ko pa rin kasi nakakausap nang masinsinan si Rainer e." Sagot ni aldrin.
"Kung gano'n ay dito muna kami, sasamahan ka namin at sabay sabay na tayong umuwi." Wika ni Markus kay Aldrin
Napaisip si ariel. "Kung gano'n..."
Biglang siya'ng kinalabit ni tommy at umiling. Kaya hindi na itinuloy pa ni Ariel ang sasabihin.
Nang ilang araw nang hindi pumupunta sa taniman si Ariel at tommy ay nagtaka si ka damian. Bigla siyang nagkaroon ng pagdududa. Doon niya naisip na posibleng guilty nga ang mga ito.
Nu'ng araw na 'yon ay ipinatawag ni ka damian ang ilang kalalakihan sa bahay niya.
Kinabukasan sa taniman ay hindi nakita nila Aldrin si ka damian pati ang ilang kalalakihang pinagkakatiwalaan niya.
Tumabi si Markus kay aldrin. "Bakit kaya wala si ka damian? Pati 'yung mga tao niya, wala rin."
"Baka naman may importante lang silang inaasikaso. Baka related sa darating niyang birthday." Wika ni aldrin na patuloy na nagbubungkal ng lupa.
"Siguro nga."
Ngunit ang hindi nila alam ay nagpunta sila ka damian at ang ilang kalalakihan sa kubo nila Aldrin. "Ariel! Tommy!"
Nagulat si Ariel at tommy nang marinig na may tumatawag sa labas.
"Teka sisilipin ko." Ani tommy.
Sinilip ni tommy kung sino ang naghahanap sa kanila sa labas sa maliit na butas ng dingding. Nataranta at natakot si tommy nang makita kung sino iyon.
"Bakit? Sino ba 'yun?" Tanong ni Ariel.
"S- si ka Damian... Pati 'yung mga lalaking nakita natin na Kasama niya nu'ng sinundan natin sila, nasa labas!"
"Ano‽"
Hindi malaman ni Ariel ang gagawin, palakad lakad ito saloob ng bahay. "Paano 'yan, tayo lang ang nandito. Wala sila sir Aldrin. Anong gagawin natin?"
"Lalabas ba tayo't haharapin sila? Tanong ni tommy.
"Hindi!" Matigas na tutol ni Ariel. "Paano kung may gawin sila sa 'tin? Marami sila, dalawa lang tayo."
"Ariel! Tommy! Nand'yan ba kayo?" Muling tawag ni ka damian sa labas.
"Mag isip ka! Anong gagawin natin!" Nataranta na rin si tommy.
Napasabunot si ariel sa sarili. "Bahala na!"
Maya maya ay nagbukas ang pinto. Tumambad kay ka Damian si Ariel na magulo ang buhok. Nasa likod naman ni Ariel si Tommy, nagtatago.
"Pasensiya na sa pang iistorbo, pero, may gagawin ba ka..." Naputol ang sasabihin ni ka damian nang biglang sumagot si ariel at tommy.
"Meron! Meron! Busy po kami! Marami po kaming gagawin!"
Natigilan si ka damian at matiim na tiningnan ang dalawa. Sumulyap din ito sa loob ng bahay. "Siya, kung tapos na ang mga gagawin n'yo ay baka puwede n'yo akong puntahan na lang sa kubo ko."
Nagkatinginan si Ariel at tommy. Ayaw nila pa kompromiso pero gustong gusto na nilang mapaalis sila ka damian.
"S-sige po, sige po. Pupunta na lang po kami sa inyo."
Sumulyap pa ng isang beses si ka damian sa dalawa bago tuluyang umalis.
Nakahinga naman ng maluwag ng dalawa. Para silang nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Pupunta ba talaga tayo?" Tanong ni tommy.
"Hindi ano! Sinabi ko lang 'yon. Sana dumating agad sila sir Aldrin para masabi agad natin."
Lumipas ang maghapon pero hindi pumunta ang dalawa. Nagalit si ka Damian dahil naghintay siya. Nu'ng araw ding iyon ay pumunta uli si ka damian kila aldrin.
Naabutan niya ang papauwing sila Aldrin, markus, lukas at jake galing sa taniman. "Ka damian, nandito pala kayo. May kailangan po ba kayo?" Tanong ni Aldrin.
"Oo e. Pumunta ako kanina sa inyo para sana bisitahin 'yung dalawa. Sa nakikita ko mu'kang okay na naman sila. Kaya gusto ko sana silang ipagpaalam sa inyo na kung puwede ko silang hiramin dahil may mabigat akong trabahong kinuha sa kabilang isla. Hindi naman sila lugi sa bayad e."
"Um..." Hindi ito inaasahan ni Aldrin. Alam niyang natatakot ngayon ang dalawa kay ka Damian kaya nasa kubo lang ang mga ito. Pero, paano naman kaya niya ito tatanggihan?
"Ka damian, puwede po bang kami na lang ni markus ang kunin n'yo?"
Biglang lumamig ang mukha ni ka damian at tila sumama ang tingin nito kay aldrin.