CHAPTER 11

1009 Words
Tumakbo si Aldrin papunta kay ka damian. "Ka damian, sandali!" Humarap si ka damian kay Aldrin na parang mauubos na ang pasensiya nito. "Hindi ba sabi ko ay bumalik na kayo at h'wag nang lalabas‽" "Pasensiya na ka damin. Gusto ko lang po sanang magpatulong sa paghahanap kila Ariel at Tommy. Nawawala po kasi sila." "Ano‽" Nakita ni Aldrin na tila mag a alburoto na si ka damian na parang bulkan. Kaya agad niyang sinabi ang dahilan kung bakit nawawala ang dalawa. "Tara! Hanapin natin sila!" Sigaw ni ka damian sa mga kasama. Sumama sila Aldrin at Rainer. Inabot ng madaling araw sila ka Damian at Aldrin sa paghahanap. "Bumalik na tayo para makapagpahinga. Bukas na natin ituloy ang paghahanap!" Sigaw ni ka damian. "Pare, pasensiya na sa abala." Wika ni Aldrin kay Rainer. "Wala 'yun.'" Ilang oras lang ang itinulog ni Aldrin. Kahit madaling araw nang natulog ay maaga pa rin siyang nagising dahil sa pag aalala sa dalawa. Pagbangon ni Aldrin ng umaga ay nakita niya sa upuang kawayan sa labas sila Ariel at tommy kasama sila jake, lukas at Markus na nagka kape. Seryoso naman ang ekspresyon ni Ariel at Tommy at halos hindi nila ginagalaw ang almusal nila. "Ariel, tommy! Mabuti naman at nakauwi na kayo. Saan ba kayo nagpunta? Bakit hindi kayo umuwi kagabi?" "Sa loob na lang namin sasabihin, sir Aldrin." Wika ni Ariel. Pumasok silang lahat ng kubo. Nagtaka si Aldrin nang isara ni tommy ang pinto at i lock iyon. "Mukhang seryoso ang pag uusapan natin a. " Wika ni Aldrin. Naupo silang lahat sa sahig na kawayan. Hinintay nila aldrin na magsalita sila ariel at tommy. Mga nakayuko lang ang mga ito at wari'y may inisip. "Mga sir, tingin ko dapat na tayong umalis dito." Biglang sambit ni Ariel. Nagtaka sila markus, Lukas, Jake at Aldrin. "Bakit mo naman nasabi 'yan? Nahihirapan na ba kayong dalawa sa pamumuhay dito?" Tanong ni Aldrin. Nagkatinginan si Ariel at Tommy. "H-hindi naman sir Aldrin. Kasi... Tingin lang namin hindi tayo para dito." Nangunot ang noo ni Aldrin. "Iyong totoo. May nangyari ba? Kasi ang babaw ng dahilan n'yo e. Kung ano man ang nangyari sabihin n'yo na, nakikinig kami." Atubili pang magsalita sila Ariel at tommy, hanggang sa nagdesisyon si ariel na magsalita na. "Ganito kasi, nu'ng umalis kami para hanapin 'yung bahay nu'ng babae ay may nadiskubre kami sa daan." Huminto saglit si Ariel at lumunok. "Nakita namin ang ilang lalaking may bitbit na baboy..." "Iyun lang nababalisa na kayo? Baka naman may birthday lang sa kanila kaya magkakatay sila ng baboy." Agad na singit ni jake. Napatingin sila markus, lukas at Aldrin kay jake. "Patapusin muna natin sila." Sabi ni Aldrin kay jake. "Tapos ano?" Ani markus. "Mabuti sana kung kakatayin nila 'yung baboy dahil may birthday-an sa kanila, kaso... Hindi e." "Anong narinig mong gagawin nila sa baboy na 'yun?" Tanong ni Lukas. Medyo malapit na ito kay ariel. "Oo nga, 'wag mo na kaming bitinin." Segunda ni jake na halos maidikit na ang mukha kay ariel. Hinila ni Aldrin ang dalawa. "Huwag kang matakot sabihin ang mga nakita't narinig mo. Kung manganganib nga tayo sa islang ito, aalis tayo." Napatingin si Ariel at tommy kay Aldrin, natuwa ang mga ito nang marinig iyon. "Hindi ako sigurado, pero ang narinig kong sinabi ng isa, 'sapat na ba ito? Baka kulangin ang isa, e ang laki laki nu'n 'di ba?' hindi ko alam kung ano ang pinatutungkulan nila. Hindi ko na masyadong narinig 'yung iba pa nilang pinag uusapan kasi nasa malayo kami ni tommy nu'n." "Ako narinig ko!" Biglang saad ni tommy. Bumaling sila Aldrin kay tommy. "Ang sabi nu'ng lalaking may dalang itak, 'tingin ko nga ay kulang iyan, kasi hindi ba dati hindi lang baboy ang ipinapakain natin sa kanya? Pati ta...' hindi na niya naituloy'yung sasabihin niya kasi biglang tinakpan ng kasama niya 'yung bibig niya. Pero sa tingin ko, tao 'yung sasabihin niya." Nagkatinginan ang apat. Mababakas naman sa mukha ni Jake ang takot. "W-wala naman sigurong ibig sabihin 'yun. Baka naman naglolokohan lang sila." Ani Lukas. "Bakit naman kayo inabot ng mag uumaga sa labas?" Dagling tanong ni Aldrin. "Nakita kasi namin si ka damian na may kasamang ilang lalaki. Narinig naming sinabi niya na baka puwede nang hukayin 'yung ginto." Natigilan at nanlaki ang mga mata ng apat "ginto‽" "Oo, ginto nga ang narinig namin. Inaamin namin na gusto rin naming makakuha no'n kaya, sinundan namin sila hanggang doon sa kuweba. Naghintay kami sa labas hanggang tuluyan nang gumabi. Nang lumabas na sila ka damian ay narinig kong sinabi niya na hindi pa raw puwede. Siguro daw ay hindi sapat 'yung alay na binigay nila." "Alay? Hindi kaya 'yung baboy?" Tanong ni Markus. Itinuloy ni tommy ang kuwento. "Kaya naman kami inumaga kasi nagtago kami nang nalaman ng isa sa kasama ni ka damian na may ibang tao doon bukod sa kanila. Kaya tumakbo kami at nagtago." "Aldrin, ano sa tingin mo?" Tanong ni markus. "Tingin ko ay dapat muna tayong mag obserba. Hindi dapat natin pagbasehan ang mga narinig n'yo't nakita para matakot o para umalis dito. Pero kung ayaw n'yo nang dalawa dito, mauna na lang kayo sa maynila." Wika ni Aldrin kila Ariel at Tommy. Gusto man ni Ariel at tommy ay naiisip nila ang bilin ni megan. Ito ang trabaho nila kaya sila sumama kila aldrin, para pagsilbihan ang mga ito. "Hindi. Kailangan, sabay kami sa inyo pag uwi. Iyon kasi ang bilin ni m'am megan." Nang araw na iyon ay hindi muna pinapunta ni Aldrin si Ariel at Tommy sa taniman. Sinabi niyang masama ang pakiramdam ng mga ito kaya pinagpahinga muna. Ngunit may ibang naiisip si ka damian at hindi maganda ang ekspresyon nito. Tumingin siya sa bataan na lagi niyang inuutusan at wari'y may sinesenyas ito.Tila naintindihan naman ito ng lalaki. Nang bumaling si ka damian kay Aldrin ay maayos na ang ekspresyon nito. "Pasensiya na Aldrin kung nasigawan kita kagabi ha. Siya, pakisabi na lang sa dalawa na magpagaling sila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD