Nagkatinginan sila aldrin, lukas at markus at agad na lang sumunod kay jake.
Bago pa man tuluyang magdilim ay nakabalik na ang tatlo sa kanilang kubo ngunit hindi nila nakita sila Ariel at tommy.
Nagtaka at nag alala si Aldrin. Ang bilin sa kanila ay huwag magpapa abot ng gabi sa labas. Kaya ano kayang mangyayari kung abutin sa labas si Ariel at Tommy?
"Aldrin, paano 'yan, hahanapin ba natin sa labas sila tommy?" Nag aalalang tanong ni Markus.
"Pupunta ako kay rainer para magpatulong. Dito na lang kayo." Ani Aldrin.
Nang magpunta si Aldrin sa kubo ni Rainier ay naghahapunan sila ni cecil.
"Halika Aldrin, saluhan mo na kami." Paanyaya ni Cecil.
"Hindi na, salamat na lang cecil. Rainer puwede mo ba kaming tulungan? Hindi pa kasi bumabalik sila Ariel at tommy, e."
"A-ano‽ Bakit naman nagpaabot sila sa labas? Mahigpit ang bilin ni ka damian, wala na dapat lalabas kapag nag gabi na." Ani cecil.
"Sandali lang magbibihis muna ako." Pumasok si Rainier ng kuwarto at nag jacket. Kinuha din niya ang itak na nakasabit sa dingding.
Dahil madilim at walang kuryente sa isla ay sulô ang gamit nila Aldrin at Rainer para matanglawin ang kanilang daanan dahil unti-unti nang kumakalat ang dilim.
"Ariel! Tommy!" Sigaw ni Aldrin habang naglalakad sa mga taniman.
Inabot ng alas 8 ng gabi sila aldrin at Rainer sa paghahanap hanggang sa nakarating na sila sa taniman ni Rainer.
"Aldrin, sa iba tayo maghanap. Mukhang wala naman sila dito."
Hindi lumingon si aldrin kay rainer, panay lang ang pag linga't paghahanap n'ya sa paligid. "Huwag muna, hindi pa nating nasusuyod ang lugar na ito, e."
"Pare, wala sila dito tayo na." Wika ni Rainier humawak ito sa balikat ni Aldrin para hilahin ito palayo sa taniman'g iyon, ngunit inilagan ni Aldrin ang pag akbay ni Rainer at dumistansya nang konti.
Napahinto naman ang kamay ni Rainer sa ere. Lumamig ang mukha nito at nagkaroon ito ng bahagyang nakakatakot na ekpresyon.
Pero dahil madilim ay hindi iyon napansin ni Aldrin.
Humarap si Aldrin kay Rainer. "Pasensiya na p're kung hinila kita sa paghahanap kila Tommy. Kung meron ka pang gagawin, mauna ka na. Ako na'ng bahala maghanap du'n sa dalawa.
Ngumiti si Rainer ngunit may nagtatagong kakaibang kinang sa mga mata nito. "Ano ka ba, magkasama na tayong naghanap, kaya tapusin na natin."
Nagpatuloy sa paghahanap sila aldrin. Nauuna sa paglalakad si Aldrin si Rainer naman ay nahuhuli.
Tulala si Rainer at nakatingin lang sa lupa tila may malalim itong iniisip, habang panay naman ang pagtawag ni Aldrin.
Nang maka abot na sila sa kasukalan ng gubat ay nakarinig si Aldrin ng kakaibang tunog, ngunit mahina lang ito. Napahinto sa paglalakad si Aldrin at sumenyas kay rainer.
"P're, naririnig mo ba 'yon?"
Nag angat ng kanyang ulo si Rainer. Hindi nito sinagot si Aldrin ngunit bahagya itong ngumiti. Yumuko uli siya para itago iyon at ang hindi na normal niyang ekspresyon na hindi niya dapat ipakita sa mga kaibigan.
"Mukhang malapit na talaga siyang magising." Bulong ni Rainer sa sarili.
Napalingon si Aldrin sa kaibigan. "Ano 'yon p're? May sinabi ka ba?"
"Bahagyang tumawa ai rainer. "Wala. May naisip lang ako bigla."
Hindi na pinansin ni Aldrin ang kakaibang tunog na kanyang narinig. Nagpatuloy na sila sa paghahanap.
Nang maakabot na sila rainer at Aldrin sa pusod ng gubat at biglang hinila ni Rainier ang braso ni aldrin na ikinalingon nito.
"Bakit p're?" Tanong ni Aldrin.
"Hindi na tayo dapat pang umabot dito. Hindi ba binanggit ni ka damian na hindi puwedeng pumunta dito sa pusod ng gubat?"
"Ganu'n ba? Pero, paano kung nandito pala sila Ariel at Tommy?"
Lumingon si Rainier sa unahan. "Ako na ang bahalang maghanap doon." Tinuro ni Rainier ang kasukalan sa unahan na natatakpan ng hamog. "Tagarito ako sa isla kaya siguro ay ayos lang. Kung magkaproblema naman ay ako na ang bahalang magpaliwanag kay ka damian."
"Sige. Salamat p're, mabuti't nandyan ka."
Umabante si Rainier habang naghihintay naman sa isang malaking puno si Aldrin.
30 minuto naghintay si Aldrin kay rainer sa malaking puno, ngunit tila walang palatandaan na pabalik na ito.
Hanggang sa muling Nakarinig si Aldrin ng kakaibang tunog at sa mga pagkakataong ito ay mas naintindihan na ni Aldrin kung anong klase tunog iyon.
Nang pinakinggan niyang mabuti ay natukoy niyang nasa malapit lang ang tunog at parang tunog iyon ng hindi pangkaraniwang hilik o di kaya ay parang tunog ng isang mabangis na hayop.
Sa kauna unahang beses ay ngayon lang natakot at nakaramdam ng kilabot si Aldrin sa isla at nayon'g ito.
Tumayo siya, hindi na siya makapaghihintay pa kay Rainier. Naisip niya na siguro'y kailangan na nilang umalis.
Tumawag si Aldrin kay Rainer mula sa makakapal na hamog na nasa unahan ngunit walang sumasagot.
Naghintay pa ng ilang sandali si Aldrin bago niya mamataan ang paparating na tao mula sa harap. Nakita ni Aldrin na nag iisa lang si Rainier
"Hindi ko nakita sila Ariel at Tommy, pasensiya na, p're." Tinapik tapik ni Rainier ang balikat ni Aldrin. "Pero anong malay mo, baka nakabalik na 'yun sa kubo. Ang mabuti pa ay bukas na natin ituloy ang paghahanap."
Walang nagawa si Aldrin kundi ang bumalik na lang.
Habang naglalakad pabalik ay may namataan silang ilang tao na may dalang sulô. Nang makalapit ay nakita nila si ka damian sa unahan.
Nagulat at tila nagalit si ka damian nang makita si Rainer at aldrin. "Hindi ba kabilin bilinan ko sa inyo na bawal lumabas nang gabi sa islang 'to‽"
Nagulat si aldrin sa nakitang reaksyon ni ka damian. Ngayon lang niya nakitang magalit ito. Ngunit, bakit ganu'n na lang ang galit nito na parang ang bigat bigat na kasalanang nagawa nila. Takang taka si Aldrin. Si Rainier naman ay mahinahong humihingi ng dispensa na parang matagal na niyang alam na ganito magalit si ka damian.
"Umuwi na kayo! H'wag na kayong lalabas!"
Sinundan ng tingin ni Aldrin sila ka Damian. Doon lang niya naalalang sabihin ang pagkawala nila Ariel at Tommy.
"Sandali, ka Damian!"