NAPANGITI si Thalia na makagisnan ang asawa nitong nasa tabi niya. He is peacefully sleeping beside her. Matapos kasing magsilang si Thalia, nawalan na ito ng malay sa sobrang pagod niya sa pagla-labor at pagsilang sa kambal nila. Pero worth it naman ang paghihirap niya dahil ligtas niyang naisilang ang kambal nila. Idagdag pang nasa tabi niya si Radson the whole time. Nagbibigay lakas sa kanya. Pinapatatag ang loob niya at nakaalalay palagi sa kanya. "Hubby?" mahinang pagtawag nito at nanghihina pa siya. Naramdaman naman ito ni Radson kahit nasa kasarapan ito ng tulog. Pupungas-pungas itong nagising at napalingon sa asawa niyang nanghihina. Tuluyang nagising ang diwa ni Radson na napasuri kay Thalia. "Yes, love? Are you okay? May masakit ba sa'yo?" magkasunod nitong tanong kay Thali

