NAALIMPUNGATAN si Radson na marinig ang isa sa kambal nila na umiiyak. Pupungas-pungas itong napaupo ng kama at kaagad napasuri sa anak nila. Pinagigitnaan kasi nila ni Thalia ang kambal at maluwag naman sa kama nila. "What's wrong, baby? Are you hungry?" pagkausap niya kay baby Sonia. Si baby Sonia kasi ang mas iyakin sa kambal lalo na sa gabi. Mabuti na lang at hindi sumasabay ang Ate Sandi nito. Umiiyak lang si baby Sandi kapag nagugutom, nabasa ang diaper o nadistorbo ang pagtulog. Napasuri siya sa diaper ni baby Sonia at napailing na nabasa na iyon. Nasa kasarapan naman ng tulog si Thalia. Isang linggo pa lang kasi ang kambal. Kaya hindi pa nakakabawi ng lakas ang katawan ni Thalia. Maingat na pinalitan ni Radson ang diaper ng anak nila. Matapos mapalitan ang diaper, naghugas

