PAGTATAPOS: MABILIS lumipas ang mga araw. Nakabawi-bawi na rin sa lakas ang pangangatawan ni Thalia mula sa panganganak niya. Bahagya pa itong tumaba pero bumagay naman sa kanya. Mas lalo pa nga siyang gumanda na bumilog ang mukha niya. Dinagdagan kasi nitong kumain lalo na ng mga may sabaw na nakakatulong sa kanya para mapanatiling sagana siya sa gatas. Hindi rin naman nagpapabaya si Radson sa pag-aalaga sa mag-iina niya. Kahit nagwo-work from home ito ay mas top priority niya pa rin ang pagsilbihan ang asawa niya at alalayan ito sa pag-aalaga sa kambal. Sa maghapon, katulong ni Thalia sa pag-aalaga sa kambal ang mga magulang niya. Naka-focus na rin kasi si Tristan sa pagma-manage ng kumpanya nila at sa jewelry store nila ni Thalia. Tumutulong din naman si Thalia kapag wala itong gina

