UNTOLD STORY THREE YEARS AGO: NAPAPANGUSO si Radson habang hinihintay ang pagtawag ng kanyang private investigator. His dad is asking him to get married now. Pero dahil naging abala siya sa pag-manage ng Pharmaceutical nila pagkatapos niyang makapagtapos sa pag-aaral, ni makipag-date ay hindi niya nagawa. "Nasaan na kaya siya ngayon? Maybe she's a successful woman now. Sana natatandaan niya pa ako," usal nito habang pinapaikot-ikot sa daliri ang pen na hawak. Naiiling na lamang ito sa sarili. Marami namang naghahabol sa kanyang babae at ang iba ay kilala pa. Beauty queen, model, actress, at ang iba ay mga katulad niyang nagmula sa kilalang angkan. Pero wala siyang interes sa mga ito kahit napakaganda at sexy nila. Dahil mula pagkabata, may isang babae na ang nakatatak sa puso niya. An

