MATAPOS makausap ang pamilya ni Amanda, kinausap niya nang masinsinan ang dalaga sa may mini garden sa harapan mismo ng bahay nila. Magkatabi ang mga ito na nakaupo habang nag-uusap. “Have we ever met before? O nakita mo na ba ako somewhere? Hindi lang kasi ako makapaniwala na ang isang katulad mong kilalang tycoon young billionaire dito sa bansa ay sasadyahin ako dito sa aming tahanan,” wika ni Amanda na nagniningning ang mga matang nakatitig kay Radson. Tipid na ngumiti si Radson dito. “Does it matter? I'm sorry pero– I'm a busy person. Tatanungin kita ngayon na mismo, Amanda.” Sagot ni Radson habang matiim silang nakatitig sa isa't-isa. “Do you want– to marry me?” Namilog ang mga mata ni Amanda na nagulat sa alok ni Radson! Walang ano-ano ay tumango-tango ito na napakalapad ng ngi

