NAPANGITI si Radson na makitang iba na ang bedsheets at kumot maging ang mga pillowcase ng kama. Pinalitan iyon ni Thalia ng bago at hindi lang basta inayos. Mas malinis at maayos na rin ang buong silid. Napanguso ito na nagtungo sa banyo. Maging dito, malinis at kitang bagong mop ang sahig. Napasuri siya sa mga gamit ni Amanda na naroon. Tila nandiri pa siya na makigamit sa mga iyon kahit na nobya niya si Amanda. Lumabas ulit ito ng silid na kinatok si Thalia. Nagulat pa si Thalia na akmang hihiga na sa kama. Pinagbuksan niya ng pintuan si Radson na nahihiyang napakamot sa batok at alanganing ngumiti sa dalaga. “Uhm, can I borrow your hygiene? Hindi ko kasi type ang amoy ng shampoo at bathsoap ni Amanda e. Saka, baka may extra toothbrush ka d'yan,” wika ni Radson dito. “S-sandali l

