LUMIPAS ang mga araw, lalong naging malamig ang pagsasama ng dalawa. Kusa na rin kasing umiiwas si Thalia para ilayo ang sarili kay Radson. Ayaw niyang mahulog siya kay Radson. Dahil una sa lahat, hindi siya gusto ni Radson kahit mag-asawa sila. Pangalawa, si Amanda ang nagmamay-ari ng puso nito. Asawa siya pero– wala siyang puwang sa puso ni Radson. Sa isip ni Thalia, gagampanan niya lang ang pagiging housewife dahil malaki ang perang ibinigay ni Radson sa mga magulang nila. Hindi naman siya nahihirapan sa pag-manage ng bahay dahil sanay siya sa mga gawaing bahay. Idagdag pang hindi araw-araw makalat doon kaya nakakapagtrabaho din siya kahit nasa bahay lang. Katulad ng sinabi ni Radson, hindi ginagastos ni Thalia ang pera niya sa mga pansarili nito. Kahit bagong panty, hindi bumili si

