LUMIPAS ang mga araw na pinapakiramdaman ni Radson si Thalia. Inaaral ang ugali nito. Kahit pumapasok siya sa trabaho, naka-minitor siya sa mga kilos ni Thalia. Kinausap niya rin ang mga guard na magsumbong sa kanya kapag lalabas si Thalia ng bahay. . . o may ibang taong magtutungo sa bahay nila na bisita ni Thalia. Hindi naman pumapalya si Thalia sa pag-aasikaso sa asawa niya. Maaga siyang bumabangon sa umaga para makapaghanda ng agahan nila at mga isusuot ni Radson. Alasyete umaalis ng bahay si Radson. Kaya dapat, alassais pa lang ay nakahanda na ang agahan nito. Malaya namang pakialaman ni Thalia ang mga gamit ni Radson. Kahit nga sa paghahanda ng damit na isusuot nito, maski brief at medyas, si Thalia ang nag-aayos. Kahit makalat si Radson sa bahay, hindi nagrereklamo si Thalia. Ni

